July 24, 2024 | Wednesday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Ang Papuri Ko Ay Para Sa Diyos

Today's Verses: Psalm 108:1–3 (ASND)

1O Dios, lubusan akong nagtitiwala sa inyo. Buong puso kitang aawitan ng mga papuri. 2Gigising ako ng maaga at ihahanda ko ang alpa at mga instrumentong may mga kwerdas. 3Panginoon, pupurihin kita sa gitna ng mga bansa. Akoʼy aawit para sa inyo sa gitna ng inyong mga mamamayan.


Read Psalm 108

Ang iyong pagpupuri ba ay nakatuon sa Diyos?


Sa Psalm 108:1–2, ipinapahayag ni Haring David ang kanyang matibay na pananampalataya at pag-asa sa tulong ng Diyos. Nagpapasalamat siya sa pagmamahal at katapatan ng Diyos. Ipinapahayag ni David na mula sa Diyos ang kanyang pag-asa. Ang Diyos ay nagbibigay ng tagumpay laban sa mga kaaway. Ipinapahayag ni David ang kanyang determinasyon na purihin at sambahin ang Diyos sa harap ng lahat ng mga bansa at mga bayan.


Ang Diyos ay karapat-dapat na purihin. Kung papansinin natin ang madaming mabuting gawa ng Diyos, kulang ang isang araw para bilangin at pag-usapan ang mga ito. Kung magkakaroon ng walang hadlang na pagkakataon ang tao para pag-aralan ang kadakilaan ng Diyos, hindi pa rin sapat ang habang buhay. Ang usapin na lamang ang kung anong klaseng tugon ang dapat nating iaalay sa Diyos, anong pananalita ang nararapat na bigkasin para sa Diyos, anong gawi ang dapat nating maisapamuhay, o anong pananaw ang nararapat nating maisa-isip. Tunay nga ang ating papuri ay para sa Diyos lamang. 


Ituon mo ang iyong papuri sa Diyos. Matuto na ihanda ang ating mga puso. Magpuri sa Panginoon ng may kababaang-loob at buong pagsang-ayon. Purihin ang Diyos gamit ang musika at awit. Naisin na gamitin ang mga instrumento at awit upang magbigay papuri sa Diyos. Gawin ito ng masigla at may pananampalataya bilang pagpapahayag ng papuri ng Diyos sa harap ng mga tao.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, ang papuri ko ay para sa Iyo. Pagkalooban mo ako ng patuloy na lakas upang maipahayag ang Iyong kadakilaan sa mga tao sa pamamagitan ng aking tinig at musika. 

Maraming salamat. Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Deuteronomy 29-30

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions