December 26, 2024 | Thursday

UVCC Daily Devotion

Ang Mga Ipinagkatiwala Ng Diyos Ama Kay Jesus

Today's Verses: John 6:39 (MBBTag)

At ito ang kanyang kalooban: ang huwag kong hayaang mapahamak ang kahit sinuman sa mga ibinigay niya sa akin, kundi ang buhayin ko silang muli sa huling araw. 


Read John 6

Ipinagkatiwala mo ba ang iyong buhay kay Jesus, na muling bubuhay sa iyo sa huling araw?


Ang John 6:39 ay patungkol sa pangako at kakayahan ni Jesus na ingatan at buhayin ang mga mananampalatayang ipinagkatiwala ng Diyos sa Kanya. Ang sinumang ipinagkatiwala ng Diyos sa Kanya ay bubuhayin ni Jesus sa huling araw. Ipinapakita rito ang kapangyarihan na magmalasakit. Tinitiyak ni Jesus sa mga mananampalataya ang kanilang pag-asa tungo sa buhay na walang hanggan.


Tayo ay may kasiguraduhan sa buhay dahil kay Jesus. Alam natin na bukod sa buhay dito sa mundo, may kasunod pa na walang hanggan. Ibig sabihin, hindi natatapos ang ating pag-iral or “existence” matapos tayong mamatay. Ito ang dahilan kung bakit may ipinangako si Jesus na kasiguraduhan sa buhay: na bagamat mahalaga ang ating buhay dito sa mundo, mas higit ang Kanyang malasakit sa ating buhay pagkatapos nito. Ang pangako ni Jesus na hindi Niya hahayaang mapahamak ang mga taong ipinagkatiwala ng Diyos Ama sa Kanya ay may kaugnayan sa ating buhay na walang hanggan. Ang ating "next life" ay tumutukoy sa ating kawalang-hanggan. Kaya may, may dalawang pagpipilian tayo sa buhay na ito: ang ipagkatiwala at manalig kay Jesus, o ang tanggihan ang Kanyang alok na pakikipag-isa sa Kanya. Ang Diyos ay may matibay at maaasahang pangako sa pamamagitan ni Jesus. Ang pangako Niyang ito ay para sa mga taong ipinagkatiwala sa Kanya ng Diyos Ama. Kaya't may panawagan sa atin na makipag-isa sa kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng pagtanggap kay Jesus Kristo nang buo at tapat sa ating puso, na may pananampalataya.


Pahalagahan ang iyong pag-irall or “existence” at magsikap para sa buhay na may kabuluhan. Pagtuunan ng pansin ang iyong pagkakaroon ng layunin sa buhay at ibigay ang iyong sarili kay Jesus. Tanggapin ang iyong responsibilidad mula sa Diyos. Piliin ang buhay na walang hanggan. Isabuhay ang pananampalataya sa bawat araw at maging handa sa buhay na walang hanggan. Pagtuunan ng pansin ang kaligtasan ng kaluluwa sa pamamagitan ni Jesus.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, aking ipinagkakatiwala sa Iyo ang aking buhay. Gawin mong mabunga ang aking buhay dito sa mundo habang ako’y iniingatan mo kami ng aking pamilya mula dito hanggang sa muling pagkabuhay. 

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: 2 Chronicles 1-2

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions