December 19, 2024 | Thursday

UVCC Daily Devotion

Ang Makinig At Sumunod Kay Jesus

Today's Verses: Matthew 7:24 (MBBTag)

Kaya't ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay maitutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay na ang pundasyon ay bato. 


Read Matthew 7

Naialay mo na ba ang iyong buhay sa pangunguna ng Panginoong Jesus?


Sa Matthew 7:21-27, ipinaliwanag ni Jesus na hindi sapat ang simpleng pagtawag sa Kanya upang makapasok sa kaharian ng Diyos. Kailangan itong ipakita sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang kalooban. Ang Salita ni ni Jesus na “Kaya’t” sa verse 24 ay pagpapaliwanag pa Niya sa unang tatlong verses (vv.21-23). Ayon kay Jesus, ang pakikinig at pagsunod parehong napakahalaga


Ang buhay ay madalas na masalimuot. Hindi ito laging simple. Ang buhay ay hindi laro. Kailangan ng bawat isa sa atin ng sapat na kaalaman, kasanayan, at spiritual at emotional na kalusugan upang magpatuloy at makalaban sa lahat ng mga hamon ng buhay. Kaya mahalaga na tayo ay nakikinig at sumusunod kay Jesus, ang ating Diyos at Panginoon. Siya ang may likha ng buhay, kaya Siya ang higit na nakakaalam kung paano ito dapat isabuhay. Siya rin ang may alam ng ating kinabukasan, kaya Siya ang nararapat na mas makilala upang Siya ay masunod. Ang mas makilala si Jesus ay ang mas masunod Siya ng bukal sa puso. Ang Kristiyano na nasa nguso pero hindi sa puso ay hindi kilala si Jesus ng sapat upang Siya ay masunod. Kaya sinabi rin ni Jesus na ang pagmamahal sa Kanya ay nakikita sa pagsunod sa Kanya. Ang araw na ito ay ginawa ng Diyos upang mas makilala mo Siya — at masunod mo Siya. Ito ang araw ng panunumbalik sa Diyos.


Maglaan ng sapat na panahon araw-araw upang kilalanin si Jesus. Aralin ang iyong iskedyul. Alamin ang iyong mga pinagkakaabalahan at bawasan ang mga sobra sa oras na kaabalahan. May mga bagay na malamang ay inaagawan ka ng sapat na oras para sa Panginoon. Alamin kung saan mas nakatutok ang iyong atensyon. Malamang may mga kaabalahan o gawain kang binibigyan ng labis na pansin, kaya wala kang sapat na oras para sa Panginoong Jesus araw-araw. Magsisi. Manumbalik sa Diyos.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, siyasatin Mo ang aking puso sa anumang labis na kaabalahan at labis na pagbibigay na pansin sa aking mga kaabalahan. Inaamin ko ang aking kakulangan ng panahon sa iyo. Ako’y nagpapakumbabang nanunumbalik sa iyo.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: 1 Chronicles 25-26

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions