December 23, 2024 | Monday

UVCC Daily Devotion

Kapag Ikaw Ay May Napagtanto

Today's Verses: John 10:10 (MBBTag)

Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, buhay na masaganang lubos.


Read John 10

Enjoy mo na ba ang buhay na meron ka?


Sa John 10, tinatawag ni Jesus ang kanyang sarili na Mabuting Pastol at ang pintuan ng kulungan ng mga tupa. Nagbigay siya ng babala laban sa mga magnanakaw. Ayon kay Jesus, nagbibigay SIya ng masaganang buhay, hindi tulad ng mga magnanakaw na nagnanais magwasak. Siya’y nagbibigay-buhay. Gayunpaman, hati ang opinyon ng mga tao at ng mga Judio. May nag-aakusa. May naniniwala.


Tayo bilang tao ay may iba’t-ibang pakahulugan sa ibig sabihin ng buhay na makabuluhan. Ang mga katagumpayan sa buhay o kaya’y katalinuhan ang madalas na nabiibgyan ng pansin — lao na ang dami ng pera o materyal na kayamananan. Agree tayo na mahalaga ang mga ito. Ngunit, maaaring hindi agree ang lahat na hindi ito ang pangunahin. May nakausap ako kamakailan na nagkaroon ng ‘realization’. Siya ay nagkaroon ng makabuluhang pagkaunawa o pagtanto. Sa kanyang tumitinding karamdaman, napagtanto niya na maikli ang buhay. Napagtanto niya rin ang mga ito: Naisip niya na ang pamilya ay talagang importante, ang mga bisyo tulad ng alak ay sisingilin ka katagalan, na ang kalusugan ay isang kayamanan, at higit sa lahat ng kanyang napagtanto — ang iyong pakikipag-ugnayan sa Diyos ay pinakamahalaga. Ang mga ‘realizations’ na ito ay mga nakasulat na sa Biblia. Si Jesus ay nagsabi na “Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, buhay na masaganang lubos”. Siya ang pinanggaalingan ng buhay na makabuluhan na hindi nakabase sa dami ng alak na naiinom, mga bisyo na sumisira sa kalusugan, mga makamundong saya na pansamantala, at mga pangarap na madalas ay pansarili lamang. Ngayong kapaskuhan, tayo'y manumbalik kay Jesus. 


Siyasatin natin ang ating mga plano at mga pangarap sa buhay. Alamin kung si Lord Jesus Christ ba ang sentro ng lahat ng mga iyon o sarili lamang. Diskubrihin ang kaibahan ng pagiging makasarili, pagiging makatao, at pagiging makadiyos. Maaring kailangan natin ng tulong sa ibang tao na may alam sa Salita ng Diyos para tayo magabayan ng ayon sa kalooban ng Diyos. Magpa-counseling. Magpa-disciple. Lumago sa pananampalataya sa Diyos. Sumamba ng makatotohanan. Sumunod at maglingkod habang may panahon pa.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, salamat po sa mga aral ng Biblia na nagbibigay liwanag sa aming buhay. Gabayan po Ninyo kami na mapagtanto ang tunay na halaga ng pamilya, kalusugan, at higit sa lahat, ang relasyon sa Iyo. Nawa'y maging sentro ng aming buhay ang aming pananampalataya at pagsunod sa Iyo.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: 1 Chronicles 27-28

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions