December 27, 2024 | Friday
UVCC Daily Devotion
Ang Nagpapakumbaba Ay Itataas
Today's Verses: Matthew 23:11–12 (MBBTag)
11 Ang pinakadakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo. 12 Ang nagmamataas ay ibababa, at ang nagpapakumbaba ay itataas.”
Read Matthew 23
Puwede bang magdulot ng mas malaking tagumpay ang pagpapakumbaba kaysa sa pagiging mayabang at matigas ang ulo?
Sa Matthew 23, binabalaan ni Jesus ang mga tao tungkol sa hipokrisiya ng mga eskriba at Fariseo. Pinuna ni Jesus ang kanilang kayabangan at hindi pagtupad sa kanilang mga turo. Hinatulan ni Jesus ang kanilang pagmamagaling at labis na paghahangad ng katanyagan. Ipinakita niyang ang tunay na kadakilaan ay nasa paglilingkod sa iba. Nagbigay siya ng babala sa kanilang mga kasalanan at sa mga magiging resulta nito.
Mahalaga ang mensahe ng paglilingkod at pagpapakumbaba bilang sentro ng ating tunay na pagsunod kay Kristo. Ang tunay na kadakilaan sa mata ng Diyos ay hindi nasusukat sa mga titulo o posisyon. Mahalaga ang kahandaang maglingkod sa iba nang may pagpapakumbaba at walang kapalit. Ipinakita ng buhay at kamatayan ni Jesus na sa pamamagitan Niya ay maipapakita ang pag-priyoridad sa pangangailangan ng iba kaysa ng sarili. Mahalaga rin na ang paglilingkod ay magmula sa taos-pusong pagtulong at hindi sa paghahangad ng pagkilala o katanyagan. Ang pananaw na ito ay kumokontra sa mga pamantayan ng mundo, lalo na sa mga relihiyosong tao na makasarili at hindi makadiyos. Posibleng magbago ang pagtutok mula sa kapangyarihan patungo sa makadiyos na mga responsibilidad. Kung tinutulan ni Jesus ang mga makasariling relihiyosong tao na nakalimutan ang kanilang espiritwal na tungkulin, dapat din natin itong tutulan. Ang binanggit ni Jesus na pagpapanggap o "hypocrisy" ay upang ipakita ang hindi pagkakatugma ng kanilang panlabas na gawain sa kanilang panloob na pagkukulang. Sa huli, may panawagan na maglingkod ayon sa turo ni Jesus. Ito ay kabaligtaran ng makasariling ugali o pagiging relihiyoso lamang.
Maglingkod tayo nang may pagpapakumbaba tulad ng itinuro ni Jesus. Iwasan ang maghangad ng katanyagan o pagkilala. Bagkus, magtulungan tayo nang taos-puso. Huwag hayaan ang mga pamantayan ng mundo na magtakda ng ating halaga. Tumutol tayo sa “hypocrisy” at sa mga makasariling relihiyosong gawain na hindi makadiyos. Sa halip, ituon natin ang ating buhay sa tunay na paglilingkod ayon sa turo ni Jesus. Ipakita ang pag-priyoridad sa pangangailangan ng iba.
Panalangin:
Aking Diyos Ama, ako’y nagpapakumbaba sa Iyo. Turuan Mo akong maglingkod sa aking kapwa. Alisin Mo sa akin ang anumang pagmamataas. Turuan mo akong mapagpakumbaba sa pagsamba at sa paglilingkod sa Iyo.
Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Pagninilay:
Ano ang kaibahan ng pagpapakumbaba sa pagmamataas?
Ayon sa Mathew 23, bakit nasabi ni Jesus na ang nagmamataas ay ibababa?
Paano maging dakila sa harapan ng Diyos?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions