November 18, 2024 | Monday
UVCC Daily Devotion
Pagsagot Ng Diyos Sa Panalangin
Today's Verses: Luke 11:13 (MBBTag)
Kayo ngang masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak. Lalo na ang inyong Ama na nasa langit, na magbibigay ng Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya!”
Read Luke 11
Nais mo bang mas maranasan ang kabutihan ng Diyos?
Sa Lucas 11:13, itinuro ni Jesus ang kabutihan ng Diyos sa pagsasagot ng mga panalangin. Ikinumpara Niya ang mga ama sa lupa, na nagbibigay ng mabubuting regalo sa kanilang mga anak, sa perpektong kalikasan ng Diyos. Kung ang mga ama'y nagbibigay ng mabuti, lalo pang magbibigay ang Diyos ng Banal na Espiritu sa mga humihiling sa Kanya, ipinapakita ang Kanyang hindi matitinag na kabutihan.
Ang kabutihan ng Diyos ay kakaibang maranasan, lalo na sa pananalangin. Sa pamamagitan ng prayer, may espesyal na koneksyon tayo sa Kanya na hindi kayang palitan ng kahit anong bagay o sinumang tao sa mundo. Kapag ang anak ng Diyos ay nananalangin ng buong puso, nararamdaman niya ang ganap na ugnayan sa Panginoon. Higit pa sa simpleng tugon sa ating pangangailangan, nais ng Diyos na tayo'y palakasin at pagtagumpayan sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Sa Lucas 11:13, sinabi ni Jesus, "Kayo ngang masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob… Lalo na ang inyong Ama na nasa langit." Ang Diyos, na higit pa sa ating inaasahan, ay magbibigay ng higit pa sa ating kahilingan — ang Espiritu Santo, na magpapalakas sa atin. Ang panalangin na meron tayo ay hindi lamang tungkol sa pagpapahayag ng pangangailangan kundi pati na rin sa pagtanggap ng espiritwal na lakas at gabay mula sa Diyos at sa Holy Spirit.
Manalangin ng buong puso at lumapit sa Diyos. Ipakita mo ang iyong pangangailangan, ngunit higit pa, humingi ng kapangyarihan mula sa Banal na Espiritu. Paniwalaan at asahan na ang pangako ng Diyos na magbibigay Siya ng higit pa sa iyong inaasahan. Huwag lamang mag-focus sa materyal na bagay — ang Diyos ay nais na mag-empower sa iyo. Magtiwala ka, sasagot Siya sa iyong panalangin at bibigyan ka ng mas mataas na biyaya.
Panalangin:
Aking Diyos Ama, salamat sa Iyong walang hanggang pagmamahal at katapatan. Lumalapit ako sa Iyo, humihiling ng gabay, lakas, at ang pagpapalakas ng Iyong Banal na Espiritu. Puspusin Mo ako ng kapayapaan at karunungan. Tulungan Mo akong magtiwala sa Iyong perpektong plano at laging sumunod sa Iyong kalooban. Amen.
Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Pagninilay:
Ano ang layunin ng panalangin sa buhay mo?
Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng ugnayan sa Diyos?
Paano mo mapapalalim ang iyong relasyon sa Diyos sa araw-araw?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions