November 22, 2024 | Friday

UVCC Daily Devotion

Panalangin: Pagtuon Ng Pansin Sa Diyos Ama

Today's Verses:  Matthew 6:6 (ASND)

Sa halip, kung mananalangin kayo, pumasok kayo sa inyong kwarto at isara ang pinto. At saka kayo manalangin sa inyong Ama na hindi nakikita. At ang inyong Ama na nakakakita sa ginagawa ninyo nang lihim ang magbibigay ng gantimpala sa inyo.


Read Matthew 6

Nakafocus ka ba sa Diyos kapag ikaw ay nananalangin?


Sa Mateo 6:6, itinuro ni Jesus na ang panalangin ay isang pribado at tapat na pag-uusap sa Diyos, hindi pampublikong pagpapakita. Iniiwasan nito ang pagpapapansin sa iba. Binibigyang-diin ni Jesus na ang Diyos, na nakakakita sa mga lihim, ay magbibigay gantimpala. Itinatampok ng aral ang pagpapakumbaba, katapatan, at pagpapasaya sa Diyos.


Espesyal at sagrado ang pananalangin. Kung tama ang ating pananaw sa pananalangin, magdudulot ito ng kakaibang pagbabago sa ating buhay. Kapag ang pananalangin ay nagiging pagkakataon ng tunay na pakikipagniig sa Diyos, ito ay malaking pakinabang hindi lamang sa ating relasyon sa Kanya, kundi pati na rin sa ating pakikitungo sa ating sarili, sa ibang tao, at sa ibat’-ibang mga sitwasyon sa buhay. Mangyayari ito kapag ang ating pansin at focus ay nasa Diyos Ama. Minsan, ang pananalangin ay nagiging isang performance. Minsan minamaliit o minamadali ito dahil sa pagiging abala natin sa maraming bagay. Ngunit may isang bagay sa pananalangin na kailangan nating ayusin upang makuha ang buong benepisyo nito. Ito ang itinuturo sa atin ni Jesus sa Mateo 6:6 — ang magdesisyon na ituon ang ating buong pansin at puso sa Diyos Ama, na ang Kanyang presensya lang ang ating pinakamahalaga. Siya ang audience of One.


Itaguyod ang tamang pananaw sa pananalangin. Iwasang gawing performance o madaliin. Gawin itong sagrado at tapat na pakikipagniig sa Diyos. Ituon ang buong pansin at puso sa Kanya, na Siya lamang ang ating audience. Huwag hayaang maging abala sa buhay ang magpawala ng focus mo sa Kanya. Pagtuunan ng pansin ang Diyos Ama sa lahat ng oras, at makita mo ang pagbabago sa iyong relasyon sa Kanya, sa iba, at sa mga sitwasyon sa buhay.

Panalangin:

Amang Diyos, patawarin Mo ako sa mga pagkakataong hindi ko binigyan ng tamang halaga ang pananalangin. Nais ko pong magbalik-loob at magsimula muli, na may tapat na puso at buong pananampalataya. Gabayan Mo ako upang ituon ang aking pansin at oras sa Iyo, at magsilbing ilaw sa aking buhay. 

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: 2 Kings 15-16

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions