November 20, 2024 | Wednesday

UVCC Daily Devotion

Gawain Ng Tunay Na Anak Ng Diyos

Today's Verses:  Matthew 5:45 (ASND)

Kung gagawin ninyo ito, magiging tunay na anak kayo ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat hindi lang sa mabubuting tao niya pinapasikat ang araw kundi pati na rin sa masasama. At hindi lang ang matutuwid ang binibigyan niya ng ulan kundi pati na rin ang mga hindi matuwid. 


Read Matthew 5

May gawain ka ba ng masasabi mong matibay na ebidensya na ikaw ay tunay na anak ng Diyos?


Itinuturo sa Matthew 5:45 ang walang kondisyon na pagmamahal ng Diyos, kung saan inuutusan tayo ni Jesus na mahalin at ipanalangin ang mga kaaway. Ipinapakita ng Diyos sa langit ang Kanyang kabutihang-loob sa pamamagitan ng pagpapadaya ng araw at ulan sa matuwid at sa masama. 


Sa Mateo 5:45, ipinapaliwanag ni Jesus ang walang kondisyon na kabutihang-loob ng Diyos sa pamamagitan ng pagpaparaya ng araw at ulan sa matuwid at sa masama. Ipinapakita ng Diyos na Siya ay hindi namimili, at ang Kanyang pagmamahal ay para sa lahat. Itinuturo sa talatang ito na dapat din ipakita ng tao ang parehong pagmamahal sa kanyang kapwa, tulad ng pagmamahal ng Diyos.


May mensahe sa pagmamahal ng Diyos. May patas na kabutihan na ibinibigay ang Diyos sa lahat ng tao. Yung basic needs ng tao ay kusang ipinagkakaloob ng Diyos. Ang nature ay nagiging instrumento ng Diyos sa pagpapahayag ng Kanyang pagmamahal. Ang pagmamahal ng Diyos ay ipinaparamdam Niya. Nakikita. Nahahalata. May ebidensya. May mabuting epekto sa buhay ng tao. Ang tao man ay sumasamba at sumusunod sa Diyos o hindi sumasamba at sumusunod sa Diyos, ang Diyos ay may ‘common grace’ para sa lahat. May normal na gawain ang Diyos na hindi mo kailangan na ipanalangin o hingin dahil kusa at consistent Niya itong ipinagkakaloob. Ang kaayusan ng buhay o maging ang laws of nature at laws of physics ay isinaayos ng Diyos at napapakinabangan natin, kahit ng mga hindi nakakalam nito. It’s time na mas unawain natin ang kabutihan ng Diyos, ramdamin ito, at iparanas din ito sa ating kapwa. May panawagan ang Diyos sa mga gustong mapatunayan na sila’y anak ng Diyos. 


Iparamdam mo ang pagmamahal ng Diyos sa iyong kapwa. Mahalin ang hindi mo kasundo at ipanalangin sila. Tularan mo ang kabutihang-loob ng Diyos na walang hinihinging kapalit. Pahalagahan ang biyaya ng Diyos at i-share ito sa iba. Alamin mo kung tunay kang anak ng Diyos sa pamamagitan ng iyong pagpapakita ng pagmamahal, lalo na sa mga hindi mo kasundo.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, turuan Mo akong magpakita ng kabutihang-loob sa kapwa, lalo na sa mga hindi ko kasundo. Bigyan Mo ako ng gabay at ng lakas ng loob upang ipakita ang Iyong pagmamahal sa ibang tao. 

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: 2 Kings 11-12

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions