October 29, 2024 | Tuesday

UVCC Daily Devotion

Ang Mabuting Gawang Pinasimulan Ng Diyos

Today's Verses: Philippians 1:6 (ASND)

Natitiyak kong ipagpapatuloy ng Dios ang mabuting gawain na sinimulan niya sa inyo hanggang sa araw ng pagbabalik ni Cristo Jesus.


Read Philippians 1

Naranasan mo na bang pahintulutan ang Diyos na simulan ang Kanyang kamangha-manghang gawa sa iyong buhay?


Sa Philippians 1, ipinahayag ni Pablo ang kanyang pagmamahal at pasasalamat sa mga taga-Filipos. Sa verse 6, sinabi ni Pablo ang tiyak na pangako ng Diyos na nagsimula ng mabuting gawa sa kanila ay magpapatuloy hanggang sa kanilang kaligtasan. Sa buong chapter ay naglarawan si Pablo para sa mga sinaunang Kristiano ng pagkakaisa, pananampalataya, at pag-asa sa gitna ng mga pagsubok at hamon.


Marahil narinig mo na walang tiyak sa mundo at lahat ay nagbabago. Dahil dito, maaari kang makaramdam na kailangan mong maging independent at panatilihin ang ideya ng ‘love yourself.’ Sa paglipas ng panahon, ang ganitong pananaw ay maaaring maging sanhi ng pagiging ‘individualistic’ mo. Sa kabila ng mga hamon, may mga katotohanan sa Biblia na mahalaga, tulad ng katiyakan ng mga pangako ng Diyos. Ngunit hindi lahat ay puwedeng basta-basta mag-‘claim’ ng mga ito. Halimbawa, hindi dahil may pera sa bangko ay maaari nang mag-withdraw ang kahit sino. Kailangan mong may account at sapat na deposito. Sa parehong paraan, umuubra ang mahigit 8,000 pangako sa Biblia. May pangako ang Diyos para sa lahat, ngunit may mga pangako din para sa mga nasa Kanyang kalooban. Kaya, mahalagang malaman kung paano mo matatamasa ang kabutihan ng Diyos sa pamamagitan ng mga pangako Niya sa iyong buhay.


Tanggapin ang hamon: itigil ang pagiging individualistic at yakapin ang mga pangako ng Diyos! Makipag-isa kay Kristo at bumuo ng ugnayan sa Kanya sa pamamagitan ng pag-aaral ng Biblia. Huwag basta-basta mag-‘claim’; siguraduhing may account ka sa bangko ng Diyos. Buksan ang iyong puso, alamin ang Kanyang kalooban, at tamasahin ang kabutihan ng Diyos. Ang pananampalataya, pagpapakumbaba, at pagsisisi ay susi sa buhay na puno ng pag-asa!

Panalangin:

Aking Diyos Ama, salamat sa mga pangako Mo na nagbibigay ng pag-asa sa akin. Tulungan Mo akong buksan ang aking puso at makipag-isa kay Kristo at sa Kanyang kalooban. Ipaalala Mo sa akin na ang tunay na katiyakan ay nasa Iyo. Bigyan Mo ako ng pananampalataya at pagpapasakop upang yakapin ang mga pangako Mo sa aking buhay. 

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: 1 Kings 3-4

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions