Apri1 27, 2023 | Thursday

Pagpapala Dahil Sa Tamang Pagsunod

Today's verse: Leviticus 26:3-4 – MBBTag

3“Kung susundin ninyo ang aking mga tuntunin at tutuparin ang aking mga utos, 4pauulanin ko sa tamang panahon at mamumunga nang sagana ang mga punongkahoy sa kaparangan.



Read: Leviticus 26

May sapat na detalye na binibigay ang Diyos para sa tamang pagsunod sa Kanya – at ang tamang pagsunod ay may kaakibat na pagpapala.


Si Yahweh ang Diyos ng mga Israelita. Sa aklat ng Leviticus sa Biblia ay nagpapahayag ng mga kalooban at mga kautusan ni Yahweh para sa Israelita. At ayon sa ating talata, ang kalooban ni Yahweh ay maging masunurin sa Kanyang utos ang buong bayan ng Israel. Sa gayon, ang pagpapala dahil sa pagsunod ay magiging tuloy-tuloy. Ang pagpapala bunga ng pagsunod ay ulan sa tamang panahon at masaganang pananim. Malinaw dito sa talata na may pagpapala kung may pagsunod. Pansin yan ayon sa kabuuan ng aklat ng Leviticus.


Ipinapaunawa nito sa atin na may matinding naisin ang Diyos na tayo’y pagpapalain. May particular na pagpapala sa mga taong masunurin sa alituntunin at sa utos ni Yahweh. Ngunit sadyang may pagpapalo din sa mga taong sumusuway kay Yahweh. Aking nadiskubre na ang alituntunin ng Diyos ay ang mga detalye kung paano sundin ang mga utos Niya. Diyan mahusay na pinaliwanag ni Leviticus. Dapat ding aminin natin na ang buhay nagiging komplikado kung di natin pinapansin ang mga detalye ng mga kautusan ng Diyos. Nagkaroon ng pagkalito sa ating buhay kung bara-bara o bahala na ang ating pagsunod. Again, may mga detalye ang tamang pagsunod sa Diyos.


Tayo bilang nilikha ng Diyos ay dapat magkaroon ng lumalim na kamalayan o ‘awarenes’ patungkol sa mga alituntunin at mga utos ni Yahweh. Maging bukal nawa sa loob natin ang pagsunod. Maging mula sa puso ang ating pagsunod. Wag mawalan ng pag-asa o kondenahin ang sarili dahil sa mga nakalipas na pagsuway. Bagkus, lalong mag-igting ang ating relasyon sa Diyos upang ang pagsunod ay maging normal at may galak. Tandaan, may mga pagpapala mula sa Diyos na bunga ng maayos na pagsunod sa Kanyang mga utos.

Aming Panginoon, bigyan mo ako ng mas lumalamim na naisin na sundin ang iyong alituntunin at tuparin ang iyong kautusan. Ikaw ang aking Diyos na si Yahweh. Ikaw ang aking Panginoon na si Hesu-Kristo. Sambahin ka sa sa Iyong katapatan na pagpalain ng higit pa ang mga sumusunod sa iyo.

Sa pangalan ni Hesu, Amen.

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions