December 5, 2023 | Tuesday

Pag-Aalaga At Pag-Iingat Ng Diyos

Today's Verse: Nahum 1:7 (MBBTag)

Si Yahweh ay napakabuti; matibay na kanlungan sa panahon ng kaguluhan. Mga nananalig sa kanya'y kanyang inaalagaan.


Read: Nahum 1

Ang kabutihan ng Diyos sa mga nananalig ay may dulot na pag-aalaga at pag-iingat.


Si Nahum ay isang propeta na nagpapahayag ng paghatol ng Diyos sa mga masuwayin at masasama. Ito ang ang kanyang mensahe sa mga tao ng Nineveh na masama ang mga gawi. Nagbigay din si Nahum ng mensahe ng pag-asa lalo na sa mga nanalig at sumusunod kay Yahweh. Ang mensahe ng pag-asa ay ang pagpapaalala na ang Diyos ay mabuti lalo na sa mga nananalig.


Ang Diyos ay mabuti sa lahat ng tao. Ang kabutihan ng Diyos ay lalong nararanasan ng mga lumalagong Kristiyano. Ang pagtalima natin sa Diyos ay nagdudulot ng maraming pagkakataon para mas makamit natin ang Kanyang pag-aalaga at pag-iingat. Kumbaga, mas pinaparamdam ng Diyos ang Kanyang pagka-Diyos na mapag-alaga sa mga anak Niyang lumalago sa pananalig at sa pagsunod. Hindi mapigilan ng Diyos na iparanas ang Kanyang kabutihan sa mga tapat at nanalig. Ang Kanyang mga pangako sa mga nanalig ay sigurado at hindi papalya. Ang iyong pananalig at pagtitiwala sa Diyos ay may dulot na pag-aalaga at pag-iingat mula sa Diyos.


Manalig sa Diyos. Anuman ang mga problema na iyong nararanasan ay hindi kayang pigilan ang pagpaparanas sa iyo ng Diyos ng Kanyang kabutihan. Manatili sa kalooban ng Diyos. Marami man ang tukso sumuway at tumalikod sa Diyos, manatili pa rin tayong tapat at nanalig. Manangan sa lakas ng loob na mula sa Diyos. Patitibayin ng Diyos ang iyong pananalig dahil mas mararanasan mo ang pag-aalaga at pag-iingat. 

Panalangin:

Aking Diyos Ama, ako po ay nananalig sa Iyo. Nais ko po na manatili sa Iyong presensiya. Nais ko pong mas manangan sa lakas Mo para sa aking buhay. Naniniwala po akong na bagamamt maraming problema, pagsubok, at challenges sa buhay, sa aking pananalig sa iyo ay kaya Mo akong alagaan at ingatan.

Maraming salamat. In Jesus’ Name, Amen.

Pagninilay:

The Bible in 1 year: 2 Corinthians 13

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions