December 7, 2023 | Thursday
Ang Tugon Sa Panghihinayang Ng Diyos
Today's Verse: Jonah 4:10–11 (ASND)
10 Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Nanghinayang ka nga sa halamang iyon na tumubo sa loob lamang ng isang gabi at nalanta rin agad sa loob din ng isang gabi, kahit na hindi ikaw ang nagtanim o nagpatubo. 11 Ako pa kaya ang hindi manghinayang sa malaking lungsod ng Nineve na may mahigit 120,000 tao na walang alam tungkol sa aking mga kautusan at marami ring mga hayop?”
Read: Jonah 4
May tamang tugon sa panghihinayang ng Diyos para sa mga taong walang kaalaman sa Kanyang Salita.
Ipinahayag ng Diyos kay Prophet Jonah ang Kanyang panghihinayang sa mga mamamayan ng Nineveh. Ang mga tao sa lugar na ito ay kulang sa kaalaman sa Salita ng Diyos. Tinawag ng Diyos ang pansin ni Jonah. Siya’y inutusan Niya na mangaral sa mga taga-Nineveh. Alam natin na si Jonah ay sumuway sa ‘direct command’ ni Lord. Sa pagsuway na ito, nahayag ang panghihiyang ng Diyos.
May panghihinayang na nararamdaman ang Diyos. Ito ay inihahayag Niya sa mga Kristiyano. Nanghihiyang ang Diyos sa mga buhay ng tao na walang kaalaman sa Kanyang kalooban o sa Kanyang Salita. Nakakaramdaman ng panghihinayang ang Diyos kapag ang mga tao ay namumuhay ng kani-kanilang buhay na hindi napapansin o wina-walang bahala Siya at ang Kanyang kalooban. Sa kabilang banda, may hamon sa mga Kristiyano na sumunod sa ‘direct command’ ng Diyos. Ang direct command ng Diyos ay ang specific na utos ng Diyos na ating natanggap. May miracle na pwedeng mangyari kung susunod ang mga Kristiyano sa utos ng Diyos. May miracle kapag ang mga tao ay makakarinig ng Salita ng Diyos.
Unawain natin ang puso ng Diyos para sa mga naliligaw. Isapuso natin ang utos ng Diyos. Sundin natin kung ano ang direct command ng Diyos. Nahahayag ito sa ating daily devotions. Kaya pahalagahan natin ang araw-araw na pakikipagniig natin sa Kanya. Kung gayon, mas madaling sumunod sa utos. Higit pa, mas madaling isuko ang ating sariling emosyon kapalit ng puso ng Diyos sa mga naliligaw.
Panalangin:
Diyos Ama, salamat sa kapahayagan sa akin ng iyong Salita. Liwanagan Mo ang aking isipan at pagaanin mo ang aking damadamin tungo sa pagsunod sa Iyo. Patawarin mo ako sa aking sariling diskarte ng pagsunod sa Iyo. Ikaw na ang masunod sa aking buhay. Gamitin mo ako sa pagbahagi ng Iyong Salita sa mga naliligaw. Mahal mo sila. Turuan mo akong mahalin din sila.
In Jesus’ Name, Amen.
Pagninilay:
Ano ang dahilan sa panghihinayang ng Diyos?
Papaano ang tamang tugon natin bilang lumalagong Kristiyano sa nararamdamang panghihinayang ng Diyos?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions