December 4, 2024 | Wednesday

UVCC Daily Devotion

Magsisi Na At Sumampalataya

Today's Verses:  Mark 1:14–15 (FSV)

14 Nang maibilanggo na si Juan, nagpunta si Jesus sa Galilea at nangaral ng Magandang Balita mula sa Diyos. 15 Sinabi niya, “Dumating na ang takdang panahon at malapit na ang paghahari ng Diyos. Kaya magsisi na kayo at sumampalataya sa Magandang Balitang ito!”


Read Mark 1

Agree ka ba na dapat mas mapag-usapan ang pagsisisi kaakibat ng tunay na pananampalataya?


Sa Mark 1:14-15, nagsimulang magturo si Jesus sa Galilea pagkatapos mahuli si Juan Bautista. Ipinahayag ni Jesus ang pagdating ng kaharian ng Diyos at ang pangangailangan ng mga tao na magsisi at maniwala sa Mabuting Balita. Ang pahayag na ito ay nagmarka ng simula ng Kanyang ministeryo, na tumatawag sa lahat na magbago at maghanda para sa pagpapakita ng kaharian ng Diyos.


Pag-usapan natin ang pananampalataya at pagsisisi. Sa Biblia, hinihikayat tayong manampalataya kay Jesus, ang nag-sacrifice Niya sa krus para sa ating mga kasalanan. Ang Kanyang mga turo at buhay ay patuloy na nagsisilbing gabay sa atin. Mahalaga na paniwalaan natin ang Kanyang sakripisyo at mga aral. Kaakibat ng pananampalataya, isa sa mga importanteng turo ni Jesus ay ang kahalagahan ng pagsisisi. Ang pagsisisi ay hindi lang basta kalungkutan sa ating mga kasalanan. Ito ay ang pagbabago ng ating pag-iisip upang sumunod sa kalooban ng Diyos. Ayon sa Biblia, Ang pagsisisi ay bunga ng pagkakaroon ng karanasan sa katotohanan ng Diyos na nagdudulot ng pagbabago sa isipan, nai-impluwensyahan ang puso, at nagkakaroon ng pagbabago ang buhay. Ang mga turo ni Jesus tungkol sa pananampalataya at pagsisisi ay napakahalaga. Kung tayo ay relihiyoso lamang at wala namang pagbabago sa ating kaisipan, sa puso, at sa buhay, hindi ito tunay na pagsisisi at paniniwala sa Mabuting Balita. 


Manampalataya ng may pagsisisi at magsisi ng may pananampalataya. Ang paniniwala lang kay Jesus ay hindi sapat. Kailangan ay may mabago sa ating kaisipan, sa ating pananaw, at sa ating pamumuhay. Gamitin ang mga turo ni Jesus bilang gabay at magpatuloy sa pagsunod sa kalooban ng Diyos. Ipakita ang tunay na pagsisisi sa pamamagitan ng mga konkretong hakbang: iwasan ang kasalanan, sundin ang mga aral ni Jesus, at ipamuhay ang pagbabago. Ang tunay na pananampalataya ay nagdudulot ng pagbabago.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, lumalapit ako sa Iyo ng may pusong nagsisisi. Naniniwala ako kay Jesus bilang aking Tagapagligtas at Panginoon. Gabayan Mo po ako upang sundin ang Iyong kalooban at mamuhay ng ayon sa Iyong mga aral. Salamat po sa Iyong biyaya at pagpapatawad. 

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: 1 Chronicles 5-6

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions