December 5, 2024 | Thursday

UVCC Daily Devotion

Kabahagi Ng Pamilya Ng Diyos

Today's Verses: Matthew 12:49–50 (FSV)

49 Itinuro ni Jesus ang kanyang mga alagad at sinabi niya, “Narito ang aking ina at aking mga kapatid. 50 Sapagkat sinumang gumagawa ng kalooban ng aking Ama sa langit, siya ang aking kapatid na lalaki, kapatid na babae, at ina.”


Read Matthew 12

Maaari mo bang sabihin na ang paggawa ng kalooban ng Diyos ang pangunahing prayoridad mo sa buhay?


Sa Matthew 12:49-50, habang tinuturuan ni Jesus ang mga tao, ipinakita Niya na ang Kanyang tunay na pamilya ay hindi lang batay sa dugo, kundi sa mga sumusunod sa kalooban ng Diyos. Ang mga disipulo ni Jesus ang itinuturing Niyang "kapatid," "kapatid na babae," at "ina." Binibigyang-diin Niya na ang tunay na relasyon sa Diyos ay nakasalalay sa pagsunod sa Kanyang kalooban, hindi sa pagiging bahagi ng isang angkan.


Ang pagsunod sa Diyos ay nag-uugat sa tamang relasyon sa Kanya. Sinabi ni Jesus na ang pamilya Niya ay susunod sa Kanya. Ibig sabihin, hindi sapat na tawagin ang sarili na bahagi ng pamilya ng Diyos kung walang tunay na relasyon sa Kanya. Ang tunay na relasyon sa Diyos ay hindi lamang nakabase sa pananalita, kundi may laman at damdamin — ito ay may pusong pagsunod. Sa kontekstong ito, may hamon sa atin na muling pag-isipan ang ating mga prayoridad sa buhay. Ang pagiging aktibong bahagi ng pamilya ng Diyos ay may pagpapahalaga sa oportunidad na pagiging bahagi ng pamilya. Ito ay may paglalaan ng aktibong pamumuhay at pagbabahagi ng Kanyang mensahe. Ito ay may oras at pagsisikap na nakatuon sa pagiging bahagi ng espirituwal na pamilya at hindi dahil sa relihiyon. Kungn tayo ay nanalig kay Jesus, tayo ay miembro ng pamilya ng Diyos. Kung tayo ay miembro ng pamilya ng Diyos. tayo ay nagbubunga ng mabuting pagbabago sa ating isip, sa ating puso, at sa ating mga gawa.


I-prioritize ang relasyon mo kay Jesus. Huwag lang basta makontento sa label na ikaw ay Kristiyano. Kung ikaw ay miyembro ng pamilya ng Diyos, sundin ang Kanyang kalooban araw-araw. Magpakita ng pagmamahal sa ibang tao lalo sa pamilya ng Diyos. Magplano at mangarap para sa pamilya ng Diyos. Maging aktibong bahagi ng Kanyang misyon na maibahagi ang Salita ng Diyos.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, humihingi kami ng kapatawaran. Nais namin na sundin ang Iyong kalooban. Nais naming mapatunayan sa aming sarili na kami ay bahagi ng iyong pamilya. Salamat sa naisin na maging tapat na tagasunod ni Kristo, hindi lang sa salita kundi maging sa gawa. 

Sa pangalan ni Jesus, Amen.   

Pagninilay:

The Bible in 1 year: 1 Chronicles 7-8

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions