December 6, 2024 | Friday

UVCC Daily Devotion

Ang Magtiis Si Jesus Sa Maraming Hirap 

Today's Verses: Luke 9:22 (FSV)

Sinabi niya, “Kailangang magtiis ng maraming hirap ang Anak ng Tao. Itatakwil siya ng mga matatandang pinuno ng bayan, ng mga punong pari at ng mga tagapagturo ng Kautusan. Papatayin siya ngunit muling bubuhayin sa ikatlong araw.”


Read Luke 9

May suffering pa rin ba maging ang mga Kristiano na at tagasunod na ni Kristo-Jesus?


Sa Luke 9, gumawa si Jesus ng mga himalang ginawa, tulad ng pagpapakain sa limang libo at pagpapagaling ng maysakit, ipinakita ni Jesus ang Kanyang pagka-Diyos kay Pedro at sa mga alagad, pati na rin ang Kanyang misyon sa mundong ito. Ipinaliwanag din ni Jesus sa mga alagad na Siya ay kailangang magdusa, mamatay, at muling mabuhay sa ikatlong araw (v.22). Itinuro Niya na ang tunay na pagsunod sa Kanya ay nangangailangan ng sakripisyo at pagpapakumbaba. 


Nakakalungkot man isipin, ang magtiis o magdusa ay ang maranasan ang pinsala ng makaranas ng emosyonal na pasakit. Ayaw man natin tanggapin, may panahon na kailangan nating magtiis ng maraming hirap. Alam ng marami na di ito maiiwasan lalo na kung ikaw ay tagasunod ni Kristo. Alam din natin na ang pagtitiis ay may layunin. Ibig sabihin ay may mga klase ng paghihirap na pinapayagan ni Lord para sa ating kapakinabangan. Ang isa pang layunin ng pagtitiis sa maraming hirap o pagsubok ay ang pagsasanay natin mula sa Panginoon. Layunin din ng pagtitiis ay para sa kakinabangan ng iba. Yung tayo ang nahirapan para sa kapayapaan ng iba, sa kalayaan ng iba, sa kaligtasan, at sa kagalingan ng iba. Ito ang sinabi ni Jesus patungkol sa Kanyang sarili, “Kailangang magtiis ng maraming hirap ang Anak ng Tao”. Hindi mo tunay na mauunawaan ang ‘gospel’ o mabuting balita kung hindi mo yayakapin ang katotohanan ng ‘suffering’ o pagtitiis.


Sa bawat pagtitiis, aralin natin ang pagpapatawad at pagpapakumbaba. Sa anumang pagdurusa, tanggapin natin ang tunay na kahulugan ng pag-unawa at pagmamahal sa kapwa. Sa iyong paghihirap ng damdamin, mas ipadama mo ang pag-ibig. Gamitin ang itong mga problema’t dalahin para mahubog ka ayong sa wangis ni Kristo. Nakakalito man ang mga sinasabi ng iba na hindi daw dapat nagsa-suffer ang Kristiyano, ating tanggapin ang pagtitiis o pagdurusa ng may tamang pananaw.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, salamat sa mga dalang aral ng aking mga pagtitiis. Tulungan Mo akong tanggapin ang mga pagsubok bilang bahagi ng aking paglago sa pananampalataya. Gabayan Mo ako upang ako’y magpatawad, magpakumbaba, at magpakita ng pag-ibig sa iba sa gitna ng aking pagdurusa. Gamitin mo ako sa gitna ng aking pagtitiis upang ipalaganap ang Iyong Salita. 

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: 1 Chronicles 9-10

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions