February 11, 2025 | Tuesday
UVCC Daily Devotion
Ang Basbas Ng Diyos
Today's Verses: Genesis 5:1-2 (ASND)
1Ito ang kasaysayan na isinulat tungkol sa pamilya ni Adan. Nang likhain ng Dios ang tao, ginawa niya itong kawangis niya. 2Nilikha niya ang lalaki at babae, at binasbasan niya sila at tinawag na “tao.”
Read Genesis 5
Kailangan ba natin ang basbas ng Diyos?
Sa Genesis 5:1-2, iniulat ang talaan ng lahi ni Adan. Ang Diyos ay nilikha ang tao ayon sa Kanyang sariling larawan. Ang Diyos ang nagbigay Adan ng pangalan. Nang maglaon, nagkaroon si Adan ng anak na si Set, na nilikha rin ng Diyos sa parehong paraan—ayon sa larawan ng kanyang ama. Sa mga talatang ito, itinatampok ang paglikha ng tao at ang pagpapasa ng buhay mula kay Adan patungo sa susunod na henerasyon.
Napakahalaga ng basbas ng Diyos. Ito ay isang sagradong gawain, pahayag, o pagpapala mula sa tao o Diyos na may espiritwal na awtoridad na naglalayong magbigay proteksyon o mabuting kapalaran. Ayon sa Genesis 5:2, ang Diyos ay nagbigay ng basbas sa tao dahil Siya ay higit sa tao. Noong unang panahon, binabasbasan ng Diyos ang tao upang pamunuan, pagharian at pagyamanin ang Kanyang Sangnilikha. Hanggang ngayon, kailangan pa rin natin ang basbas ng Diyos. Hindi natin dapat itong pakawalan o ipagpalit sa anuman. Ang basbas ng Diyos ay dumadaan sa Kanyang itinalagang mga tagapanguna—lalo na ang mga parents, mga pastors, o iba pang religious leaders. Ang espiritwal na awtoridad ng mga parents o mga pastors ay nagmumula sa Diyos at sila ay daluyan ng Kanyang pagpapala. Ang basbas ng Diyos ay nagbibigay sa atin ng lakas o kakayanan na magampanan ang ating layunin bilang Kanyang mga nilikha, na kawangis Niya at bilikha bilang mga lalaki at mga babae. Ang Biblia ay nagtuturo na ang mga hindi lalaki o babae ang kasarian ay walang basbas ng Diyos.
Ating unawain ang kahalagahan ng ‘basbas’ ng Diyos. Tayo ay binasabasan na bilang mga nilikha. Ganunpaman, dapat nating pakatandaan na hindi tayo mahusay at matuwid na magagampanan ang ating layunin na walang basbas ng kakayanan at proteksyon mula sa Diyos. Kaya, simulang mas i-enjoy ang buhay at mga ginagawa natin kasama ang Diyos. Tara! Maglingkod tayo at gawin ang ating layunin ng mas espiritual na basbas ng Diyos.
Panalangin:
Aking Diyos Ama, ako ay Iyong basbasan. Pagpalain mo ang mga gawa ng aking kamay. Nais kong gawin ang anumang bagay ng may basbas Mo, aking Diyos, Tagapagligtas, at Panginoon,
Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Pagninilay:
Ano ang ibig sabihin ng ‘basbas ng Diyos’?
Paano mo ipapaliwanag sa iba ang kahalagahan ng ‘basbas ng Diyos’?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions