February 8, 2025 | Saturday
UVCC Daily Devotion
Ang Mapangiti Ang Diyos
Today's Verses: Genesis 4:4 (ASND)
Si Abel naman ay kumuha ng isang panganay sa mga inaalagaan niyang hayop, kinatay ito at inihandog sa Dios ang pinakamagandang bahagi. Natuwa ang Panginoon kay Abel at sa handog nito …
Read Genesis 4
Nais mo bang pangitiin ang Diyos dahil sa ginagawa mo?
Sa Genesis 4, ipinakita ang pagkakaiba ng mga handog nina Cain at Abel. Si Abel, isang pastol, ay naghandog ng pinakamainam na alagang hayop sa Diyos. Samantalang si Cain, isang magsasaka, ay nagdala ng mga prutas mula sa kanyang ani. Ayon sa salaysay, natuwa ang Diyos sa handog ni Abel. Ngunit hindi natuwa ang Diyos sa handog ni Cain. Dahil dito, nagkaroon ng galit sa puso si Cain, siya ay sumimangot, at kalaunan ay nauwi sa isang trahedya.
Lahat tayo ay nais ng masayang buhay, kung saan kahit sa mga simpleng bagay, tayo ay mapapangiti. Ang magpangiti ng Diyos ay isang dakilang gawain at maaaring maging misyon natin sa buhay. Ang tunay na ngiti ay may hatid na tunay na saya. Tayo ay nilikha ng Diyos upang Siya ay mapangiti. Sa tuwing magagawa natin ito, higit na mabuti ang epekto nito sa atin kaysa sa Kanya. Kapag hindi natin napapangiti ang Diyos dahil sa ating mga masasamang gawa, nagdudulot ito ng galit at stress, tulad ni Cain. Nang hindi niya napangiti ang Diyos, siya ay naging galit at aburido – hindi siya naging blessing sa kapwa. Sa kabila ng lahat, napahamak pa ang kanyang kapatid na si Abel. Si Abel napahamak hindi dahil sa ginawa niyang mabuti. Siya ay napahamak dahil may mga tao na hindi gumagawa ng hakbang upang mapangiti ang Diyos. Ang tunay na pagpapasaya sa Diyos ay matatagpuan sa tamang pagsamba. Kapag hindi natin Siya sinasamba ng nararapat, magdudulot ito ng kabiguan sa ating buhay. Kaya't ang layunin ng ating buhay ay mapangiti ang Diyos sa pamamagitan ng tamang pagsamba.
Tara! Sambahin natin ang Diyos ngayong araw sa paraan at pag-uugaling nararapat. Hindi mo pa lubos na nauunawan kapag iyong ginawang adhikain at misyon sa buhay ang mapangiti ang Diyos. Hindi mo pa lubos na nararanasan ang kabutihan ng Diyos kapag Siya’y sinasamba at pinaglilingkuran ng tama. Ibigay mo ang best ng buhay mo sa Diyos. Ibigay mo ang lakas ng iyong kabataan sa Diyos. Iaalay mo ang iyong accomplishemts sa Diyos. Sa pagplano pa ang ng buhay mo ay mapangiti mo na ang Diyos.
Panalangin:
Aking Diyos Ama, patawarin mo ako sa aking kakulangan ng pagsamba sa Iyo. Ngayong araw, basbasan Mo ang naisin kong Ikaw ay mapangiti.
Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Pagninilay:
Bakit ba kailangan na pangitiin mo ang Diyos?
Ano kinalaman ng galit at stress sa hindi pagpapangiti sa Diyos?
Paano mo papangitiin ang Diyos ngayong araw?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions