February 15, 2025 | Saturday

UVCC Daily Devotion

Paalala Sa Tunay Na Pagsamba

Today's Verses: Genesis 8:20–21a  (ASND) 

20Gumawa si Noe ng altar para sa Panginoon. Pagkatapos, kumuha siya ng isa sa bawat uri ng hayop na malinis pati rin sa bawat uri ng mga ibon na malinis, at sinunog niya ito sa altar bilang handog sa Panginoon. 21Nang naamoy ng Panginoon ang mabangong samyo nito, sinabi niya sa kanyang sarili, …


Read Genesis 8

Nais mo bang magawa na sambahin ang Diyos ng nararapat?


Ayon sa Genesis 8, agkatapos ng baha, bumaba si Noe mula sa arko kasama ang kanyang pamilya at mga hayop. Ang unang bagay na ginawa ni Noe ay magtayo ng isang altar at mag-alay ng mga handog sa Diyos mula sa mga malilinis na hayop at mga ibon. Sa kanyang mga alay, ipinakita ni Noe ang kanyang pasasalamat at paggalang sa Diyos, bilang pagtanaw ng utang na loob sa kanilang kaligtasan.


May kakaibang pakiramdam tuwing iisipin ang pagsamba sa Diyos. Ang tunay na pagsamba sa Diyos ay nagdudulot ng kagalakan sa Panginoon katulad ng ipinahayag sa buhay ni Noah. Ipinapakita ng kanyang kwento na ang pagsamba ay maaaring maging tama at kaaya-aya sa Diyos. Habang umusad ang matagal na panahon, may iba't ibang paraan ng pagsamba na naging gawi ng mga tao: andiyan sakripisyo ng pagpapahirap sa sarili, iba naman ay may mga rebulto, o may mahahabang panalangin na paulit-ulit. Ngunit ano nga ba ang tamang paraan ng pagsamba? Marami sa atin ay sumusunod lamang sa tradisyon na madalas ay hindi ayon sa Biblia. Ang iba naman ay umaasa sa emosyon bilang sukatan ng tunay na pagsamba. Ngunit ayon sa kwento ni Noah, ang pagsamba na tinatanggap ng Diyos ay nagmumula sa tamang ugali at sa kaalaman ng nais ng Diyos na klase ng pagsamba. Ang handog ni Noah ay isang mabangong samyo dahil alam niya kung paano mag-alay ayon sa kalooban ng Diyos. Kaya't ang tunay na pagsamba, tulad ng ipinapakita ni Noah, ay isang paalala na ito ay dapat ibatay sa pagkakilala at pag-unawa sa kalooban ng Diyos.


Alamin mula sa Biblia ang tunay na pagsamba na katanggap-tanggap sa Diyos. Siyasatin kung tama at naaayon ba sa pamantayan ng Diyos sa Biblia ang iyong pagsamba. Huwag mong hayaan na mabalewala lang ang iyong pagsamba.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, ituro Mo sa akin kung ano ang tunay na pagsamba sa Iyo. Ilayo mo ako sa sarili kong pamamaraan ng pagsamba. Gabayan mo ako ng iyong Salita at hindi ng aking emosyon.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Nehemiah 9-10

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions