February 14, 2025 | Friday
UVCC Daily Devotion
Ayon Sa Iniutos Ng Diyos
Today's Verses: Genesis 7:15–16 (ASND)
Ayon sa iniutos ng Dios kay Noe, pinapasok niya sa barko ang bawat pares ng lahat ng uri ng hayop na lumalapit sa kanya. Pagkatapos, isinara ng Panginoon ang barko.
Read Genesis 7
May malinaw na utos ba ang Diyos sa iyo ng nasusunod mo na?
Sa Genesis 7:15–16, dinala ni Noe sa arkong iniutos ng Diyos ang bawat uri ng hayop, dalawang hayop bawat isa, lalaki at babae, upang mapanatili ang kanilang lahi. Ang bawat nilalang, mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit, ay sumunod. Nang makapasok na silang lahat, isinara ng Diyos ang pinto ng arkong, tanda ng Kanyang pag-iingat at pagpapasya na magtago ang buhay mula sa darating na delubyong baha.
Sa ating panahon ngayon, maraming tao ang nalilito. Ang kalituhan ay dulot ng naglipanang kasamaan sa paligid na gumugulo sa isipan ng marami. "Alin ba ang susundin ko?" tanong nila. Tunay na nakakapressure ang mga "bad influences"—pressure ng problema, pressure ng barkada, at pressure ng masasamang gawain. In fairness, nakakapressure din ang mga pangarap sa buhay. Lahat ay demanding! Paano natin haharapin ang ganitong mga pressure? Marahil si Noah ay nakaranas din ng ganitong pressure. Ngunit hindi siya nagpa-apekto sa mga demanding at masasamang impluwensya sa paligid. Iningatan niya ang relasyon niya sa Diyos. Kaya nang dumating ang panahon ng paghuhukom ng Diyos, pinapasok sila Noe at isinara ng Diyos ang pinto ng arko. Ito ay ang pagliligtas ng Diyos sa mga nakikinig at sumusunod sa Kanya. Maging sa panahon natin ngayon, nangungusap pa rin ang Diyos sa mga makikinig at susunod sa Kanya. May mga ‘instructions’ ang Diyos para sa mga makikinig at susunod sa Kanya. Malinaw ang mga instructions na matatagpuan sa Biblia. Tara! Buong sipag at tiyaga nating basahin ang Biblia upang malaman at masunod ang mga instructions ng Diyos sa atin.
May pangungusap ang Diyos sa iyo. Maaari bang ikaw ay mag-”pause” sa iyong mga kaabalahan at ipanalangin at isulat ang alam mong instruction sa iyo ng Diyos? Serious po ito pero at the same time ay exciting. Pahalagahan natin ang ating relasyon sa Diyos. Tandaan, hindi magbibigay ng mula sa puso na instructions sa iyo ang Diyos kung wala ka naman relasyon sa Kanya. O maaari naman na ikaw ay tinatawag ng Diyos na magkaroon ng relasyon sa Kanya sa pamamagitan ni Jesus Christ. Alinman dito ang iyong kalagayan, nakasalalay dito ang iyong kinabukasan at buhay espiritwal.
Panalangin:
Aking Diyos Ama, bigyan mo ako ng pusong nakikinig at sumusunod sa iyong “instructions”. Panginoon, tulungan mo po akong Ikaw ang masunod. Maraming salamat sa Iyong pagtyatyaga sa akin.
Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Pagninilay:
Ang Bible ay naglalaman ng instructions mula Diyos, anong verse ang naglalaman instructions ni Lord sa iyo?
Anong tulong ang kakailanganin mo para masunod ang Diyos sa iyong buhay?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions