February 18, 2025 | Tuesday

UVCC Daily Devotion

Kalinga Ng Diyos Sa Mga Lahi

Today's Verses: Genesis 10:32 (ASND)

Ito ang lahat ng lahi ng mga anak ni Noe, na nasa ibaʼt ibang bansa. Sa kanila nagmula ang mga bansa sa buong mundo pagkatapos ng baha. ulap.


Read Genesis 10

May concern  ba ang Diyos sa iyo bilang tao?


Sa Genesis 10:32, matapos ang baha, ipinakita ang paghahati-hati ng mga bansa batay sa mga anak ni Noe. Ang bawat isa sa kanilang mga anak ay nagkaroon ng mga lahi na kumalat sa buong mundo, at naging simula ng iba't ibang mga bansa at tribo. Pinapakita nito kung paano nagsimula ang kasaysayan ng mga tao mula sa mga angkan ni Noe, at paano sila nagkaiba-iba ng kultura sa bawat lugar.


May mga pagkakataong nakakatamad basahin ang Biblia. Bukod sa madalas tayong pagod bilang tao, ang Biblia ay nagiging hindi na interesante lalo na kapag may mga listahan ng mga pangalan. Maraming beses sa Luma at Bagong Tipan makikita natin ang listahan ng mga pangalan ng iba't ibang tao. Dahil dito, lalo pang nagiging mahirap at nakakatamad basahin ang Biblia. Kahit na nakakatamad basahin, ang mga listahang ito ng mga pangalan ng tao na pinagmulan ng mga lahi ay mahalaga. Sa unang tingin, parang wala namang pakinabang sa atin. Ngunit kung mas uunawaan natin at susuriin ang layunin ng pagkakasulat ng mga pangalan sa Biblia, ito ay nagpapatunay ng kalinga o ‘concern’ ng Diyos. Hindi lamang ito impormasyon, kundi pati na rin ang pagpapahayag ng dedikasyon ng Diyos sa atin. Kaya sa susunod na magbasa ka ng Biblia at makakita ng mahahabang listahan ng mga pangalan, tandaan na ito ay pahiwatig ng kalinga ng Diyos.


Magbigay ng nararapat at mas malalim na pansin sa pagbabasa ng Biblia—maging sa mga mahabang listahan ng mga pangalan. Paglaanan ng panahon ang pag-unawa kung paano kumakalinga ang Diyos sa pamamagitan ng mga listahan ng pangalan. Hindi walang kwenta ang mga pangalan sa Biblia, gaano man ito ka-weird. Maaaring ang pangalan mo ay nasa mahabang listahan na din ng Diyos dahil may pagkalinga Siya sa iyo – lalo na kung ikaw ay nag-repent na at si Jesus na ang iyong Diyos, Tagapagligtas, at Panginoon.

Panalangin:


Aking Diyos Ama, salamat sa Iyong pagkalinga. Sambahin ka sa iyong malalalim na concern sa akin at sa aking pamilya. Patawarin mo ako sa aking mga katamaran lalo na sa pagbabasa ng Biblia. Humihingi po ako ngayon ng sipag at dedikasyon sa pagbabasa ng iyong Salita.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Nehemiah 13

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions