February 4, 2025 | Tuesday

UVCC Daily Devotion

Ang Sambahin At Paglingkuran Ang Diyos Lamang

Today's Verses: Matthew 4:10 (ASND) 

Pero sinagot siya ni Jesus, “Lumayas ka, Satanas! Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, ‘Sambahin mo ang Panginoon mong Dios at siya lamang ang iyong paglingkuran.’ ”


Read Matthew 4

Sang-ayon ka ba na kung sino o ano ang iyong sinasamba, yun din ang iyong pinaglilingkuran?


Matapos ang tatlong araw na pagninilay sa disyertong nag-iisa, tinukso ni Satanas si Jesus na luhuran siya at sambahin. Bilang tugon, ipinaliwanag ni Jesus na tanging ang Diyos lamang ang nararapat sambahin at paglingkuran. Sa pagtatapos ng pagsubok, iniwan siya ni Satanas, at dumating ang mga anghel upang paglingkuran siya. Pinatunayan ni Jesus ang kanyang katapatan at pananampalataya sa Diyos, na hindi siya magpapadala sa mga tukso ng masama.


Minsan, kailangan nating dumaan sa mga pagsubok para malaman kung saan talaga nakatali ang ating puso. Minsan mas madali lang magsabi na si Lord ang ating sinasamba kapag ang lahat ay maayos. Pero kapag dumating ang mahirap na kalagayan, doon natin tunay na mapapansin kung ano ang mas mahalaga sa atin. Ano man ang ating pinahahalagahan, iyon ang ating sasambahin at paglilingkuran. Kaya, habang tayo’y naglalakbay sa buhay, may mga mga maliliit at malalaking desyon na kailangan tayong gawin, ang mga ito ang maghuhubog sa ating pananampalataya. Si Jesus, ay naging halimbawa ng lakas sa kabila ng kahinaan. Sa kabila ng mga pagsubok, Siya’y patuloy na sumunod sa Diyos. Hindi Niya pinili ang madali o maginhawa, kundi ang mas mataas na layunin ng Kanyang Ama. Ngayong araw, si Jesus pa rin ang ating lakas. Sa Kanya pa rin magmumula ang lakas at katotohanan na kailangan natin.


Sambahin at paglingkuran ang Diyos. Alamin ang mga pinahahalagahan natin at atin itong aralin. Tanungin ang ating sarili kung ang mga ito ba ay nakakatulong para atin lalong sambahin ang Diyos? O ang mga ito ay nagiging hadlang sa ating pagsamba? Bagay man, tao man, o pangarap man ang iyong nasa isip, magpakumbaba tayo at ibigay ang ating pagsamba at ating panglilingkod sa Diyos?

Panalangin:

Aking Diyos Ama, ako ay bukas na aklat sa iyo. Iyong ihayag sa akin ang mga nakikita Mo sa aking puso’t isipan. Tulungan mo akong ituon ang aking pagsamba at paglilingkod sa iyo. Anuman at sinuman sa aking buhay ay maging daan para ikaw ay aking mas masamba at mas mapaglingkuran?

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Ezra 3-4

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions