January 12, 2024 | Friday

Ang Kabutihan Ng Diyos Ama

Today's Verse: Matthew 5:45 (FSV)

... upang kayo'y maging mga anak ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang kanyang araw sa masasama gayundin sa mabubuti, at nagpapadala siya ng ulan sa mga matuwid, gayundin sa mga di-matuwid.


Read Matthew 5 

Ang kabutihan ng Diyos Ama ay walang pinipili at walang itinatangi sa paggawa mo ng kabutihan. Sa masama o sa mabuti, ang kabutihan ng Diyos ay ipinapamahagi. 


Si Jesus ay nasa gawain ng pagpapakilala sa karakter ng Diyos Ama. Hayag ni Hesus na ang Diyos Ama ay pinapasikat ang araw sa masama o sa mabuti. Ang DIyos Ama din ay nagpapadala ng ulan sa mga matuwid at sa mga di-matuwid.


Puno ng kabutihan ng Diyos. Hindi pinigilan ng Diyos ang kanyang paggawa ng mabuti sa lahat mga tao. Kita pa rin sa mga pangyayari sa paligid na mabuti ang Diyos. Ang tao man ay sumusunod o hindi sumusunod, ang kabutihan ng Diyos ay bumubuhos. Hindi niya tayo kinakaligtaan. Bagkus, kinikalinga tayo ng Diyos sa anuman ang sitwasyon natin. Hindi niya pinababayaan ang ang Kanyang nilikha. 


Ating gunitain ang mga kabutihan ng Diyos. Mas maa-appreciate ng tao ang kabutihan ng Diyos – lalo na kung ang Diyos ang tinatawag nating Ama at ay tagasunod tayo ni Kristo. Itong mga sumusunod araw, mas pansinin natin ang kabutihan ng Diyos sa kanino mang tao at sa anumang kalalagayan. Dahil dito at anuman ang iyong sitwasyon, sambahin natin at mas lalo pa nating paglingkuran ang Diyos.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, mas nalalaman ko na Ikaw ay mabuti at walang pinipili at walang itinatangi sa paggawa Mo ng kabutihan. Abutin Mo po ng Iyong kabutihan ang aking kalalagayan. Lalo Niyo rin pong ibuhos ang Iyong pagpapala sa mga may sakit at may kalungkutan. Kailangan namin ang araw-araw ang iyong kabutihan. 

In Jesus’ Name, Amen. 

Pagninilay:

The Bible in 1 year: 1 Peter 3-4

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions