January 30, 2024 | Tuesday
UVCC Daily Devotion
On the Book of Psalms
Sa Harap Ng Naglalagablab Na Pugon
Today's Verse: Daniel 3:17-18 (RTPV05)
Gawin ninyo kung iyan ang gusto ninyo. Ang Diyos na aming pinaglilingkuran ang magliligtas sa amin sa naglalagablab na pugon at mula sa inyong kapangyarihan. Kung hindi man niya kami iligtas, hindi pa rin kami maglilingkod sa inyong mga diyos ni sasamba sa rebultong ginto na ipinagawa ninyo.”
Read Daniel 3
Ang may tapang at may sapat na kompyansa o tiwala sa Diyos lamang ang makakaranas ng hiwaga ng Diyos.
Sa panahon ng pagkakabihag sa mga Israelita, pinili ng hari ng Babilonya sina Daniel, Shadrac, Meshac, at Abednego. Iniutos ng hari na sumamba sa isang gintong rebulto. Ngunit hindi sila sumunod sa utos. Hindi sila yumukod sa rebulto o sumamba. Kaya sila ipininatapon ng hari sa pitong beses na mas mainit na naglalagablab na pugon. Subalit habang siay nasa lood ng pugon, nakita ng hari na may ikaapat na kasama sila sa pugon. Paglabas sa pugon, nakita nilang walang bakas ng apoy at di nasunog ang kanilang buhok at kasuotan. Isang himala na pagliligtas.
Minsan ay ililigtas na sana tayo ng Diyos ngunit ng dahil sa kaduwagan ay nanatili nalang tayo sa sitwasyon natin dahil sa takot. Hindi naranasan ng tatlong binata ang pagliigtas ng Diyos kung sila’y sumamba sa dios-diosan dahil sila’y takot na itapon sila sa pugon. Kung naniniwala lang tayo sa Diyos na kayang bigyan tayo ng makakain sa araw-araw, Diyos na kaya tayong ng bihisan, Diyos na kayang magprovide, hindi tayo sa sasamba diyos-diyosan. Huwag nating sambahin ang anumang diyos-diyosan at papangalanan pa natin na Jesus. Ang Diyos ay higit sa lahat. Ang Diyos ayon sa Bibliya ay ang Diyos na humati sa pulang dagat, nagbigay ng makakaing ‘mana’, at nagpagaling ng mga may sakit. Siya ang Diyos na nagliligtas. Maniwala sa Diyos at mahahayag ang Diyos sa buhay natin.
Huwag tayong matakot sa mga kinakaharap natin lalo na kung ang pakay natin ay para sa kaluwalhatian ng Diyos. Ang may kompyansa o tiwala sa Diyos ay tiyak sa tutugunan niya dahil Diyos siya na tapat sa Kanyang Salita. Ang Diyos ay mabuting Ama sa atin. Diyos siya na higit sa lahat. Diyos na may likha sa lahat. Wala siyang di kayang gawing, Tiyak na magagawan Niya ng paraan at pagliligtas ang iyong buhay, trabaho, o ministry. Huwag matakot. Ilagay mo ang kompyansa o tiwala sa Kanya at tiyak na ililigtas ka Niya.
Panalangin:
Panginoon, ako po ay iyong patawarin dahil nalilimutan kong ikaw ay Diyos na higit sa lahat. Simula po ngayon, ipinapasayo ko ang aking kompyansa. Nawa, ikaw ang mahayag sa aking buhay.
Idinadalangin ko ito sa pangalan ni Jesus. Amen.
Pagninilay:
Bakit kailangan nating suriin ang Biblia para malaman kung anong klase ng diyos o Diyos ang ating pinaniniwalaan?
Anu-ano ang pwedeng maging mga diyos-dyosan sa buhay ng tao?
Ano ang pwedeng mga katakutan ng tao para sumamba sa Diyos-diyosan?
Written by: Cate Medina
Read Previous Devotions