January 4, 2024 | Thursday
Jesus: Ang Tunay Na Puno Ng Ubas
Today's Verse: John 15:1–2 (FSV)
1Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang tagapag-alaga nito. 2 Tinatanggal niya sa akin ang bawat sangang hindi namumunga. Bawat sangang namumunga ay nililinis niya upang lalo pa itong mamunga.
Read John 15
Sa anumang pagsubok o dalahin sa buhay, si Jesus ang pangunahin sa buhay ng mga lumalagong Kristianiyano. Si Jesus ba ang nasusunod sa iyong buhay?
Ang ‘imagery’ na ‘puno ng ubas’ na dapat ay para sa Israel ay inangkin na ni Jesus ng may diin. Ang Israel ang puno ng ubas ayon sa Old Testament. Sa New Testament, si Jesus na ang ‘tunay na puno ng ubas’. Pumalyang mamunga ang Israel kaya si Jesus na ang magpapabunga sa tunay na mga nakaugpong sa Kanya. Katuwang Niya ang DIyos Ama sa proceso ng pagpapalago at pagpapamunga
Si Jesus ang pinanggagalingan ng ating buhay. Sa lumalagong Kristiyano, Siya ang ating pinaggagalingan ng lahat-lahat. Siya at ang Diyos Ama ang may hawak ng proceso ng ating paglago at pagmature. Ating mararanasan ang paglago at pagmature kung si Jesus ang sentro ng ating buhay: kung sa ating buhay Siya ang nagunguna, Siya ang kinikilala, Siya ang nasusunod, Siya ang sinasamba, atbpa. Ang mga pagsubok at mga dalahain na nararanasan natin ay pawang mga ‘paglilinis’ sa atin. Ito ay para tayo’y kilalanin na lumagong Kristiyano. Mabuting gawain ito ng Diyos Ama dahil tayo ay nakay Kristo.
Sundin si Jesus sa bawat aspeto ng iyong buhay. Ilaan ang buhay mo kay Jesus. Siya ang kilalaning tagapagpala, tagapagpagaling, tagapayapa, Tagapagligtas, at maraming pang iba. Italaga ang iyong buhay kay Jesus. Walang maging ibang Panginoong sa iyong buhay kundi si Jesus. Siguraduhing nakay Jesus ka tuwi-tuwina kahit na may problema o lungkot. Sayang ang mga oras o araw na hindi tayo nakalaan at nakatalaga kay Jesus.
Panalangin:
Diyos Ama, salamat nababasa ko ang iyong Salita. Salamat dahil ako’y nakakatugon ng may pananampalataya sa Iyo dahil kay Jesus. Ama, patawarin mo ako sa aking mga kakulangan at mga pagsuway. Patawarin mo ako sa mga panahong hinfi ko napapansin at naa-appreciate ang iyong mga miracles. Simula ngayon, aking inilalaan at aking itinatalaga ang aking buhay sa Iyo.
In Jesus’ Name, Amen.
Pagninilay:
Ano ang ibig sabihin na si Jesus ang tunay na puno ng ubas?
Ikaw ba ay nakay Jesus na?
Ang lumalagong Kristiyano ay mga sanga ng tunay na puno ng ubas. Papaano ginagawa ng Diyos Ama na linisin tayo upang lalo pa tayong mamunga?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions