January 2, 2024 | Tuesday
Jesus: Ang Muling Pagkabuhay At Ang Buhay
Today's Verse: John 11:25-26 (FSV)
25Sinabi ni Jesus sa kanya, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang mga sumasampalataya sa akin ay mabubuhay kahit na siya ay mamatay, 26 at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba rito?”
Read John 11
Ang pangakong buhay ni Jesus ay pangwalang hanggan. Naniniwala ka ba?
Buong lakas ng loob muli na inihayag ni Jesus kung sino Siya. Kanyang sinabi na, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay”. Malinaw kay Jesus kung sino siya at kung ano ang kaya Niyang gawin. Hawak ni Jesus ang kapangyarihan na magbigay ng buhay. Kanya ding nilinaw na ang susi para manasan ng tao ay paniniwala sa kanya bilang si Jesus, ang muling pagkabuhay at ang buhay.
Hindi biro na balewalain ang ‘eternity’ o ang pangwalang hanggan. Tayo ay may natanggap na kapahayagan na si Jesus “ang muling pagkabuhay at ang buhay”. Ang katotohanan na ito ay may kinalaman hindi lamang sa buhay natin dito kundi maging sa pwedeng kahihinatnan natin matapos ang buhay natin dito sa lupa. Ang dakilang tanong ay hindi kung kaya bang gawin ni Jesus ang kanyang mga sinabi, na mga naisulat ni Apostle Juan. Kundi ang tanong ay kung tayo ba ay nananampalataya sa kung sino talaga si Jesus – lalo na si Jesus bilang ‘ang muling pagkabuhay at ang buhay’. Ngayon, ang hamon sa lahat ng mga tao ay kung willing ba tayo na manampalataya ng buong puso kay Jesus.
Bigyan halaga ang iyong ‘eternity’ o ang pangwalang hanggan. DIto pa lang sa lupa ang magdecide na tayo na si Jesus ang ating Tagapagligtas. Maniwala din tayo sa Kanya at sundin siya bilang Panginoon ng ating buhay. Ang klase ng pananampalaya at pagsunod na mababa diyan ang hindi mabuting senyales. Dito pa lang sa lupa ay pwede na natin masigurado ang ating buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesus – ang muling pagkabuhay at ang buhay. Magdala ng pag-asa.
Panalangin:
Aking Diyos Ama, naniniwala akong si Jesus ang muling pagkabuhay at ang buhay. Patawarin Mo ako sa aking mga pagdududa sa Iyong kakayanan na iligtas ako sa problema o sa kasalanan man. Ngayon, ang aking buhay dito sa lupa ay pagharian mo. Ikaw ang aking buhay hanggan sa pangwalang hanggan.
In Jesus’ Name, Amen.
Pagninilay:
Ano ang unawa mo sa mga salitang buhay na walang hanggan?
Papaano nagkakaroon ng buhay na walang hanggan ang isang tao?
Base sa ating nabasa’t naunawaan, anu-ano ang mga pwede nating sabihin sa ibang tao tungkol kay Jesus Christ?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions