January 1, 2024 | Monday

Jesus: Ang Mabuting Pastol

Today's Verse: John 10:11,14 (FSV)

11Ako ang mabuting pastol. Ang mabuting pastol ay nag-aalay ng kanyang buhay para sa mga tupa. 14Ako ang mabuting pastol. Kilala ko ang aking mga tupa at ako’y kilala nila


Read John 10 

Si Jesus ang mabuting pastol na hindi nag-iiwan kundi nag-alay buhay, hindi nangbalewala kundi kilala ang mga tumatalima sa Kanya.


Ang pagiging mabuting pastol ni Jesus ay hindi pangkaraniwan. Ito ay puno ng sakripisyo at pagpapahalaga sa mga tupa. Mas inisip Niya ang kapakanan ng mga tupa kesa ng Kanyang sarili. Si Jesus ay kilala kung sino ang sa Kanya. Gayundin naman, kinikilala Siya ng mga tupa na mga tinawag at mga tumugon.


Tayo bilang mga tao may mabuting tagapanguna o pastol na pwede nating tingalain. Siya si Jesus. Siya ay ‘perfect’. Si Jesus ang ‘perfect’ na tagapanguna ay nag-alay ng buhay Niya sa atin para sa ating ikaliligtas. Ito may ay mula sa anumang kasalanan at maging sa mga masamang epekto nito. Ang kapangyarihan ay ‘incredible’ at ang Kanyang sakripisyo ay may bisa pa rin hanggang sa panahon natin. Kahit na sa pinakamasama makasalanang tao, ay higit ang biyaya at habag ng Diyos dahil kay Jesus.


Ngayong unang araw ng 2024, mas may panahon tayo upang mas kilalanin si Jesus sa ating buhay. Ang pagkakataon na kilalanin sa sa pamamagitan ng pananampalataya at pagtanggap ay available pa rin. Hindi relihiyon ang alok ni Jesus sa iyo kundi isang sagradong relasyon. Kilalanin Mo Siya bilang Tagapagligtas mula sa iyong mga kasalanan. Sundin siya bilang Panginoon ng ating buhay. Simulan ang taon 2024 ng ganito. This is the best choice to begin with.

Panalangin:

Diyos Ama, ikaw ang aking Tagapagligtas at Panginoon! Patawarin mo ako sa aking mga kakulangan, mga kasalanan, mga pagkakamali, o anumang hindi pagsunod sa Iyo noong 2023. Tulungan mo akong magsimula ng mas maayos ngayong taon 2024. Biyayaan mo ako ng masunuring puso. I-bless mo ang aking 2024. Ikaw lamang ang lahat-lahat sa akin.

In Jesus’ Name, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Hebrews 1-3

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions