December 27, 2023 | Wednesday

Jesus: Ang Tinapay Ng Buhay

Today's Verse: John 6:33,35 (FSV)

33Sapagkat ang tinapay ng Diyos ay siya na bumaba mula sa langit at nagbibigay ng buhay sa sanlibutan.” 35Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ako ang tinapay ng buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom at ang sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw.


Read John 6 

May natatanging pangangailangan ang mga tao na tanging kay Jesu-Kristo lamang matatagpuan.


Sinabi ni Jesus na siya ang ‘tinapay ng buhay'. Siya ang bumaba galing sa Diyos Ama. Ito ang mga matalinhagang mga salita ni Jesus. Katulad ng ‘mana’ na ibinigay sa mga Israelita, si Jesus ay nagbigay din ng tinapay nang pinakain Niya ang higit 5,000 tao. At katulad din ng nangyari sa panahon ni Moises, maraming ding tao ang habol sa Diyos ay yun literal na pagkain o pagpapala. Sa ganitong pagkakataon sinabi ni Jesus na “ako ang tinapay ng buhay”. Si Jesus nagbibigay ng buhay sa sanlibutan. Si Jesus din ang pumapawi sa kakaibang gutom at uhaw ng mga tao.


Itinatama ni Jesus ang ating mga pananaw. Siya ay nagpapaliwanag sa atin gamit ang mga bagay o pangyayari na alam natin bilang tao. Halimbawa, may idea ang mga Israelita na ang mga ninuno nila ay nakinabang sa padala ng Diyos ng pagkaing ‘mana’. Sa isipan ni Jesus, may concern ang Diyos sa ating pangangailangan sa literal na tinapay o pagkain. Alam din ni Jesus na mas kailangan natin bilang tao ang buhay na mula sa Diyos -- na mula lamang kay Jesus. Hindi lang tayo buhay. Kundi, tayo dapat ay may buhay na konektado sa Diyos. 


Tanggapin at makinabang sa mas mahalagang pangangailangan natin. Kay Jesus lamang ito magmumula. Magkaroon ng klase ng pananalig na kayang pahalagahan ang persona ng Diyos ng higit pa sa mga regalo ng Diyos. Maging konektado sa Diyos ng mas lumalalim araw-araw.

Panalangin:

Kailangan kita, aking Diyos Ama. Kailangan ko rin ang Iyong anak na si Jesus. Ikaw ang aking buhay. Ikaw ang nagbibigay lakas at sigasig sa akin. Walang kabuluhan ang buhay ko kung wala ka sa aking buong pagkatao.

Maraming salamat. In Jesus’ Name, Amen. 

Pagninilay:

The Bible in 1 year: 2 Timothy 3-4

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions