December 22, 2023 | Friday
Mabuting Balita Na Ikagagalak Ng Lahat Ng Tao
Today's Verse: Luke 2:10–12 (FSV)
10 Ngunit sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot, sapagkat dala ko sa inyo ang mabuting balitang ikagagalak ng lahat ng tao. 11 Sa araw na ito, isinilang sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon. 12 At ito ang palatandaan para sa inyo: matatagpuan ninyo ang isang sanggol na binalot sa lampin at nakahiga sa sabsaban.”
Read Luke 2
Sa panahon na ito ng Kapaskuhan, ang best na pagkuhanan ng galak at ng lakas ng loob ay ang katotohanan si Jesus Christ ay Tagapagligtas at Panginoon.
Buong galak na sinabi ng angel sa mga pastol na iwaksi ang takot dahil may mabuting balita silang dala. Ang mabuting balita na ito ay patungkol kay Jesus. Si Jesus ang Tagapagligtas at Panginoon. Ito ay daang taon nang inaantabayanan ng mga Israelita. Ang pangako ay may kinalaman kay Haring David. At sa panahon na iyon, ay naisakatuparan na.
May dakilang regalo ang Diyos sa atin. Anumang takot na meron tayo ay pwdeng pawiin ng regalo na ito. Ang regalo ay may taglay na katotohana: Si Jesus ay Tagapagligtas at Panginoon! Kadalasan, ang ‘hopelessness’ na dala ng ating takot ay nakakasira ng tamang pananaw. Ang takot na hindi mula sa Diyos ay pinapalaki ang problema. Ngayong kapaskuhan, ang dakilang regalo sa atin ng Diyos ay si Jesus. Mabuti na tayo nagbibigay ng regalo at tumatanggap ng regalo. Samahan natin ito ng pagtanggap ng pinakadakilang regalo mula sa Diyos – ang Panginoong Jesus na Tagapagligtas. Ito ang mabuting balita na ikagagalak ng lahat ng tao.
Unawain ang simple pero dakilang regalo ng Diyos sa atin. Simple ang regalo ng Diyos kaya ang hirap mapansin. Dakila ang regalo ng Diyos dahil itinatanghal ito ng mga lumalagong Kristiano. Alin ka man diyan, nawa ngayong kapaskuhan ay mag-level up and ating pagsamba at paglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus. Papawiin ng Diyos ang anumang takot mo. Sambahin at paglilingkuran mo si Jesus. Mas lalo mo siyang maging Panginoon at Tagapagligtas.
Panalangin:
Diyos Ama, naniniwala akong si Jesus ang aking Panginoon at Tagapagligtas. Sa panahon ng kapaskuhan, mas paigtingin mo ang aking pananampalataya. Gawin mong makabuluhan ang aking pagsamba at paglilingkod. Salamat sa mabuting balita.
In Jesus’ Name, Amen.
Pagninilay:
Ano ang mabuting balita ayon sa ating talata sa Luke 2:10–12?
Si Jesus na ba ang iyong Panginoon at tagapagligtas? Explain.
Papaano mo mas mapaglalabanan ang anumang takot na dumarating sa iyong buhay dahil sa mga problema?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions