December 19, 2023 | Tuesday

Ang Magandang Balita Na May Dulot Na Kagalakan

Today's Verse: Lucas 2:10 (MBBTag)

Ngunit sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot! Ako'y may dalang magandang balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao.


Read Luke 2 

Merong magandang balita na pumapawi sa ating mga takot at pangamba. 


Ang talata ay kapahayagan ni Lucas tungkol sa encounter ng mga pastol sa mga anghel. Isang pagtatagpo na may dalang magandang balita. Ang talata  ay nagpapahayag na ang mga anghel ay pinalakas ang loob ng mga pastol sa kabila ng kanilang takot. Nangyari ang mga ito sa panahon ng paghari ni Herodes na nasa ilalim ng Emperador Augusto ng Roma. Dagdag pa sa takot dahil sa pananakop, ang kanilang pagbabantay sa lalim ng gabi ay may panganib din mula sa mga masasamang loob at mga mababangis na hayop.


Merong magandang balita na pumapawi sa ating mga takot at pangamba. Ito ang magandang balita na naghahatid sa atin sa tunay na kagalakan. Ito ang kapanganakan ng ating Panginoong Hesus na ‘source’ ng ating kagalakan. Kay Hesus lang natin mararanasan ang tunay na kagalakan sa kabila ng iba't-ibang takot sa buhay. Ang magandang balita na ito na nagda -’drive’ sa atin tungo sa banal na pagkatakot sa Diyos. Ito ang klase ng pagkatakot na humihila sa atin tungo sa pagtitiwala sa Diyos (Salmo 34:9) at pagkakaroon ng kaalaman sa ating buhay Kristiano. Kaya nagkakaroon ng ‘twist’ ang buhay kung ang mga takot na ito sa hirap at problema ay mapapalitan ng pagkatakot pagtitiwala sa Diyos at sa Kanyang Salita.


Huwag tayong matakot sa hirap at problema ng buhay Hayaan mong palitan ng Diyos ang pagkatakot na ito sa pagkatakot sa Kanya. Magtiwala tayo sa Kanyang mga Salita at isapamuhay natin ang mga ito. Tayo ay may malaking responsibilidad sa sarili sa ating kapwa na magkaroon ng kagalagakan dulot ng pagpakinig sa magandang balita. Hanapin natin ang ating kagalakan sa Diyos na siyang ‘source’ ng ating kagalakan.

Panalangin:

Aking Ama sa pangalan ng iyong Anak na si Hesus, ako po ay nagpapasalamat sa magandang balita na aking napakinggan at nabasa na sa Iyong mga lingkod. Salamat dahil naghahatid ito sa akin ng kagalakan. Maraming salamat din sa pagpawi mo ng aking mga takot. Pinalitan mo ito ng pagkatakot ko sayo at pagtitiwala sa iyong Salita. Patuloy mo akong gamitin para sa iyong kaluwalhatian. Hiling ko po in Jesus Name, Amen.

Pagninilay:

The Bible in 1 year: 1 Timothy 1-3

 Written by: Miguel Amihan

Read Previous Devotions