December 15, 2023 | Friday

Ipagsabi! Naparito Si Jesus

Today's Verse: 1 Timothy 1:15 (ASND)

Ito ang katotohanang dapat tanggapin at paniwalaan ng lahat: naparito si Cristo Jesus sa mundo para iligtas ang mga makasalanan. At ako ang pinakamakasalanan sa lahat. 


Read 1 Timothy 1 

Ipagsabi si Jesus sa mga tao! Siya’y naparito para iligtas ang lahat ng taong nagkasala.


Aminado si Apostle Pablo sa kanyang buhay makasalanan. Ayon sa kanya, siya’y relihiyoso pero makasalanan. Nilapastangan niya ang Diyos. Nilait at inusig ang mga mananampalataya. Ngunit siya’y kinaawaan ng Diyos. Siya’y tumugon ng may pananampataya, may pagpapakumbaba, at may pagsunod. Binago siya ng Panginoon. Ang Diyos na dati niyang nilalapastangan ay kanya nang sinasampalatayaan, sinusunod, at ipinagsasabi. Ang mga mananampalataya na kanyang nilalait at inuusig ay kanya nang iniibig at pinaglilingkuran. Si Pablo ay niligtas ng Diyos sa masasamang epekto ng kasalanan. Siya ay naging anak ng Diyos.


Tayo ay nangangailangan ng pagliligtas ng Diyos. Alam natin na tayo’y nagkakasala. Tayo ay mga makasalaanan. Alam din natin na may consequences at kaparusahan ang kasalanan. At ang gumagawa ng kasalanan ay hindi ‘exempted’ sa consequences at kaparusahan. Ngunit puno ng habag ang Diyos! Sukdulan ang biyaya Niya sa pamamagitan ni Jesus! Ngayon, may panawagan ang Diyos sa lahat ng tao na tumugon habang may panahon pa. May pag-asa at pagliligtas mula sa Diyos. May awa mula kay Jesus para sa mga taong makasalanan ngunit nagpapakumbaba.


Tanggapin at paniwalaan nating lahat na naparito si Cristo Jesus sa mundo para iligtas ang mga makasalanan. Pansinin natin ang sinasabi ng Biblia. Huwag mawalan ng pag-asa. Available pa rin ang pagliligtas ng Diyos. Magpakumbaba tayo at humingi ng tawad. Huwag na nating silipin ang kasalanan ng ibang tao. Nangungusap ang Diyos sa iyo. Individual ang layuning pagliligtas ng Diyos – lalo na sa mga umaamin at nagpapakumbaba. Sa mga lumalagong Kristiyano na nananampalataya na, ating masigasig na ipagsabi si Jesus. Ipagsabi ang pagparito ni Jesus para iligtas ang makasalanang nagpapakumbaba.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, ako’y nagpapakumbabang lumalapit sa iyo. Salamat sa Iyong pagpapatawad at pagliligtas sa akin. Inililigtas mo ako sa masasamang epekto ng kasalanan. Naniniwala akong safe ang buhay ko dahil sa iyo. Ipinapanalagin ko na matanggap din ng ibang tao ang Iyong pagliligtas. Inaalala ko ang aking mga kaibigan at kamag-anak. Nawa, kaming lahat ay mas maranasan ang iyong presensya at gabay sa aming buhay.

In Jesus’ Name, Amen. 

Pagninilay:

The Bible in 1 year: 1 Thessalonians 1-3

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions