December 14, 2023 | Thursday

Mga Kaibigan Ni Jesus

Today's Verse: John 15:15 (ASND)

Hindi ko na kayo itinuturing na alipin, dahil hindi alam ng alipin kung ano ang ginagawa ng kanyang amo. Sa halip, itinuturing ko na kayong mga kaibigan, dahil sinasabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama. 


Read John 15 

Ang maging kaibigan ka ni Jesus ay isang "turning point" tungo sa malaking kamalayan sa malapit at malalim na relasyon.


Ang Juan 15:13-15 ay naglalakip ng salitang ‘kaibigan’. Sinabi ito ng Panginoong Hesus alinsunod sa pananatili sa Kanya, sa pagbubunga, at sa pag-ibig dahil kinonekta sa isang tunay na puno ng paras o ‘vine’. Sa talata, inilipat ni Hesus ang kanilang pananaw na pagiging alipin tungo sa pagiging isang kaibigan. Sinabi sa kanila ng Panginoon na ang pinakadakilang pag-ibig na maaaring taglayin ng sinuman para sa kanyang mga kaibigan ay ang ialay ang kanyang buhay para sa kanila. Binigyan diin ni Jesus na tumitingkad ang pagiging magkaibigan kung sinusunod ang utos Niya. Naisin ni Hesus sa kanila ay mas maging konektado at malalim ang kanilang relasyon.


Ang ituring tayong kaibigan ni Hesus ay "such a great honor". Hindi lamang ito isang makitid na usapin at limitadong pagkakaibigan katulad ng ating nararanasan ayon sa konseptong pansanlibutan. Ito’y may matibay at malalim na relasyon at realization. Hindi ito tulad lang ng isang alipin sa kaisipang Judio. Kay Hesus ang tanikala sa pagkakaalipin sa kasalanan ay nagwawakas at napapalitan ng kalayaan, pag asa, at pagmamahal ng Diyos. Ang sinasabi ng Panginoon ay isang koneksyon sa lumalalim na relasyon sa  Diyos. Isang bukal ng kamalayan tungo sa lumalagong buhay kristiyano.


Yakapin natin ang katuruang ito ng ating Panginoon. Paunlarin, alagaan, pagyamanin at palaguin sa pamamagitan ng ating devotional materials . I-improve ang personal na pananalangin at pag aaral ng Salita ng Diyos. Dumalo ng may katapatan sa mga pagtitipon ng mga mananampalataya. Huwag hayaan na ang television, gadgets, at social media ang maging hadlang sa ating relasyon sa Diyos.

Panalangin:

Panginoon maraming salamat sa pagturing Mo sa akin bilang kaibigan. Maraming salamat sa ibat-ibang kalaaman na nagmula sa aking pakikipag-relasyon sa Iyo. Salamat, o Diyos, sa kalayaan, sa pag ibig at sa kaunawaan. Tulungan Niyo po ako na pagsisikapan, alagaan, at pagyamanin ang aking relasyon at paglilingkod sa Iyo. Sayo po ang kaluwalhtian, at karangalan. In Jesus name, Amen.

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Colossians 3-4

 Written by: Miguel Amihan, Jr

Read Previous Devotions