December 11, 2023 | Monday

Pinagpapala Ng Diyos

Today's Verse: Mateo 5:6 MBBTag (MBBTag)

“Pinagpala ang mga may matinding hangarin na sumunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat sila'y bibigyang kasiyahan ng Diyos.


Read Matthew 5 

Isang pinagpalang buhay ang nais ng Diyos sa bawat Kristiano. Ang hangarin sa pagsunod sa kalooban ng Diyos ay may pabor na hatid.


Ang talata ay isa sa tanyag na sulat ni Mateo tungkol sa sermon ng Panginoong Hesus sa bundok ng Olibo. Isinalaysay ng Panginoon ang Kanyang katuruan tungkol sa taong pinagpala. Mga siyam na ulit din niyang binigkas ang temang ‘pinagpala’. Dito ipinahayag ni Jesus ang kakaibang kalagayan ng buhay na nagiging daluyan ng kanyang  "favor". May kalakip itong iba't-ibang pagpapala na nakalaan para sa tagasunod ni Jesus. Itinuro ng mabuti sa kanila ni Jesus kung paano magkaroon ng isang mapalad at maligayang buhay sa anumang sitwasyon na kinakaharap.


‘Authentic’ at  ‘unique’ ang isang tao na ‘pinagpala’ ng Diyos. Mapalad at may pabor ng Diyos. Ang buhay na nais ni Kristo sa bawat kristiano ay ang buhay na may positibong resulta kahit may mga negatibong nangyayari sa paligid. Ang application ng magandang buhay na may pabor ng Diyos ay makakamtan lamang ng mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, mapagpakumbaba, may matinding hangarin sa pagsunod sa Diyos, mahabagin, may malinis na  puso, mapaghanap ng paraan para sa kapayapaan, ang mga inuusig dahil sa pagsunod sa Diyos, at ang mga nilalait at inuusig dahil kay Kristo. Inaalam ng Diyos ang ating tunay na katapatan, ang ating sukdulang pagsunod, ang kawalan ng pagpaimbabaw at pag alinlangan sa kagustuhan ng Diyos. Nang sa gayon, ang pagpapala ay kusa at sadyang dumarating.


Hanapin natin ang buhay na sinasabi ni Kristo. Isipin natin na ang bawat pagsubok natin ay pwedeng maging isang pagpapala. Ang magdadala sa atin sa paglago ng relasyon kay Kristo ay hindi ang mga bagay na temporal kundi ang mga gawaing espiritual. Naisin ni Kristo na dalin tayo tungo sa kanyang "design" and "destiny". Kaya, unawain natin ang ating buhay kristiyano na may kakaibang karanasan. Hindi ordinaryo ang pagkatawag sa atin ng Diyos. 

Panalangin:

Aking Ama na nasa langit, maraming salamat sa Iyong favor. Maraming salamat sa pagkakaroon ng pinagpalang buhay dahil sa pagkakatawag mo sa akin. Kayo po ang nag-uudyok sa akin na sundin ang kalooban Mo. Maraming salamat sa kaunawaan dahil sa mga pagsubok at mga kakaibang karanasan sa aking buhay. Nais kong maging isang lumalagong kristiyano. Maraming salamat. In Jesus Name, Amen.

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Philippians 1-3

 Written by: Miguel Amihan. Jr

Read Previous Devotions