December 8, 2023 | Friday
Naparito Upang Sambahin Si Jesus
Today's Verse: Matthew 2:1–2 (FSV)
Nang isilang si Jesus sa Bethlehem ng Judea, sa panahon ng paghahari ni Herodes, may mga pantas na dumating sa Jerusalem mula sa silangan. 2 Nagtanung-tanong sila, “Nasaan ang isinilang na Hari ng mga Judio? Nakita namin ang kanyang bituin sa silangan at naparito kami upang sambahin siya.
Read Matthew 2
Pagsamba ang pinaka purong dahilan ng paglapit sa Panginoong Jesus.
Ang mga Magi (read as “majay”) ay mga King-makers of the East. Sila ang nagsasabi kung sino ang susunod na magiging hari nung panahon ng Medo-Persian Empire (present day Iran). Sila ang isinulat ni Matthew na nagpunta ng Jerusalem sa gabay ng isang bituin. Ang kanilang layunin ayn nahayag ayon din sa kanilang mga salita, “naparito kami upang sambahin siya.” Iyun ang tangi nilang sadya sa milya-milya nilang paglalakbay kasama ang malaking grupo. Atin lang na maiisip kung anong klaseng bagabag ang naidulot nito sa makasariling si Haring Herodes.
Ang pagsamba sa Panginoong Jesus ay pangunahin. Naisin ng Diyos na hikayatiin ang mas maraming tao na sumamba sa Kanyang Anak. Walang mas dakilang gawain at adhikain maliban sa sadyang pagsamba sa ating Diyos at Panginoon na si Jesu-Kristo. Ang pagsamba ay ang paglapit ng may buong pagpapakumbaba kay Jesus. Ang pagsamba ay ang pagkilala sa pagiging Diyos at pagiging Panginoon ni Jesus. Mahalagang bahagi ng lumalagong Kristiyano ang sumamba kay Jesus. Ang lumalagong Kristiyano ay may gabay ng Holy Spirit para sumamba sa Diyos. Kung may purong layunin na sambahin si Jesus, walang malayong lugar o walang iindahing pagod para lamang masamba ng may sakripisyo. There is no worship if there’s no sacrifice.
Sumamba ng may sakripisyo. Magsakripisyo ng may pagsamba. Dapat magsakrisyo sa pamamagitan ng ‘time, talent, and treasure.” Huwag indahin ang hirap ng paghahanda, pagbiyahe, pananahimik, o pangingilin para masamba ng nararapat si Jesus. Makiisa sa mga kapatiran na sumamba ng sama-sama sa church o bahay-panambahan. Magdala ng kaloob. Mag-alay ng focus at attention. Mag-alay ng mga papuring awit. Magsaya. Magsayaw. Mag-celebrate. Tulad ng mga Magi, ipamalita ang paghahari ni Jesus.
Panalangin:
Aking Ama sa langit, nais ko na magawang sumamba sa Diyos ayon sa Kanyang kalooban. Nawa’y laging naaayon sa iyong puso ang nilalaman ng aming puso. Sinasamba kita, O Diyos!
In Jesus’ Name, Amen.
Pagninilay:
Ano ang ibig sabihin ng pagsamba kay Jesus?
Umaayon ka ba sa nasabing ‘walang tunay na pagsamba kung walang sakripisyo? Ipaliwanag.
Papaano ipamalita ang paghahari ni Jesus?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions