December 16, 2023 | Saturday

Kay Jesus Lamang May Tunay Na Kapayapaan

Today's Verse: John 16:33 (ASND)

Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito para magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin. Daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo, pero magpakatatag kayo dahil nagtagumpay na ako laban sa kapangyarihan ng mundo.” 


Read John 16 

Kay Jesus lamang nanggagaling ang tunay na kapayapaan na kailangan natin.


Sinabi ni Jesus na sa kanya lamang magkakaroon ng kapayapaan ang mga tao. Sinabi din at hindi ni Jesus na may mga nakaantabay na paghihirap dito ang kanyang mga tagasunod. Ang utos ni Jesus sa kanila ay “magpakatatag kayo”. Sinabi din ni Jesus ang dahilan bakit sila dapat magpakatatag: si Jesus ay nagtagumpay na lahat ng kapangyarihan ng mundo! Pansin na kaya sinabi ang mga ito ni Jesus dahil ang mga disipulo ay nananalig na sa kanya.


Katulad ng mga sinaunang disciples, tayo ay diretsa din na sinasabihan ni Jesus na Siya lamang ang ating kapayapaan. Lahat ng klase ng kapayapaan na kailangan natin bilang tao – lalo bilang lumalagong kristiyano, ay kay Jesus lamang matatagpuan. Lahat ng iba pang mga kapayapaan ay mga peke o mga pansamantala lamang. Hindi kayang talunin ng mga peke o mga pansamantalang kapayapaan ang mga paghihirap, pang-aapi, pag-uusig, o kapighatian na dumarating laban sa mga tao – lalo na sa mga lumalagong kristiyano. Darating at darating ang mga ito. Ang tanging makabuluhang katotohanan sa ganitong mga panahon ay kung naniniwala ka ba ng buong puso kay Jesus”. Kung oo ang iyong sagot, dapat ay nararanasan mo ang kapayapaan ni Jesus. Kung magkagayon, ikaw ay may kapayapaan sa iyong puso kahit na may dinaranas kang mga paghihirap, pang-aapi, pag-uusig, o kapighatian.  


Maniwala ng buong puso kay Jesus. Huwag nang magduda. Iwasan na umangal o manisi ng iba. Payagang dumaloy ang kapayapan ni Jesus sa iyong puso. Iwasang magalit para makapag-isip ng maayos. Obserbahan ang sarili kung magagalitin pa rin. Walang kapayapaan ni Jesus sa taong magagalitin at mahilig manisi. Bagkus, maging mabait sa kapwa. Gawin ang mabuti para sa mas nakakarami. Maging makadiyos at hindi lamang makatao. Higit sa lahat, gawin ang kalooban ng Diyos ng may kapayapaan sa puso.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, ang mundo ay laging may hatid na paghihirap, pang-aapi, pag-uusig, o kapighatian. Tulungan mo po akong mapagtagumpayan ang mga ito ng kapayapaan na galing kay Jesus. Mangyari na masunod at masamba kita araw-araw. Palitan mo ng pagiging makadiyos at aking pagiging makasarili. Ang anumang lungkot, lumbay, o dismaya sa buhay ay mapalitan ng Iyong tunay na kapayapaan.

In Jesus’ Name, Amen.

Pagninilay:

The Bible in 1 year: 1 Thessalonians 4-5

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions