December 18, 2023 | Monday

Mahal Ang Diyos Ng Higit

Today's Verse: Luke 7:47–48 (FSV)

47 Kaya't sinasabi ko sa inyo, ang marami niyang mga kasalanan ay pinatawad na; kaya naman nagmahal siya nang higit. Ngunit ang pinatawad nang kaunti ay magmamahal nang kaunti.” 48 Pagkatapos ay sinabi niya sa babae, “Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.”


Read Luke 7 

Depende sa ating kaalaman kung gaano tayo pinatawad ng Diyos ang pagsasabi na mahal natin ang Diyos ng kaunti o ng higit.


Si Jesus ay nagmasid kung papaano siya pinatunguhan ng Fariseo na si Simon. Ito ang nagtulak sa kanya na magkwento tungkol sa isang tao na pinagkakautangan ng dalawang tao. Ang isa ay maliit na halaga samanatalang ang isa naman ay napakalaking halaga. Sa dulo ng kwento ay parehong pinatawad ang mga utang dahil pareho silang hindi makabayad. Dito sinabi ni Jesus ang klasiko Niyang tanong na, “Sino ngayon sa kanila ang higit na magmamahal sa nagpautang?”


Napakalaki ng pagpapatawad ng Diyos sa atin. Ang lahat ng tao ay tinatawagang tumugon dito. Ang katotohanan ay depende sa ating kaalaman o karanasan sa pagpapatawad ng Diyos ang ating magiging tugon. Dito nasusukat kung tayo’y nagmamahal sa Diyos ng higit pa. Ang mga gawa natin para sa Diyos ang magsasabi. Sa ibang pananalita, maraming tao ang pwedeng ‘magsabi’ na mahal ang Diyos. Ngunit ang ‘sakripisyo’ ng tao para sa Diyos pa rin ang magsasabi kung ang tao ay nagmahal ng kaunti lang o kung nagmahal ng higit. Ang basehan dito ay kung gaano kalaki ang turing ng tao sa personal na pagpapatawad ng Diyos. Ang ating gawa at pamumuhay ang magsasabi nito. 


Ituring na malaki ang pagpapatawad ng Diyos, konti man o marami ang kasalanan mo. Tumugon sa Diyos sa pamamagitan ng gawaing may sakripisyo. Aralin ang buhay ng mga characters sa Biblia kung paano nila minahal ang Diyos ng may sakripisyo. Gamitin ang iyong schedules at ang iyong kaperahan para iparating sa Diyos na siya’y mahal mo ng higit. Sa lahat ng ito, maniwala tayo na alam ng Diyos kung paano kilalanin ang magmahal sa Kanya ng higit.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, patawarin mo ako sa aking kakulangan ng sakripisyo para maipakita na mahal kita. Turuan mo akong hindi lang sabihin na mahal kita. Kundi pati na rin ang aking schedule at pinagkakagastusan ang mas magsabi na mahal kita ng higit. 

In Jesus’ Name, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: 2 Thessalonians 1-3

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions