December 28, 2023 | Thursday

Jesus: Ang Ilaw Ng Sanlibutan

Today's Verse: John 8:12 (FSV)

At muling nagsalita sa kanila si Jesus, “Ako ang ilaw ng sanlibutan; ang sumusunod sa akin kailanma'y hindi mamumuhay sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng buhay.”


Read John 8 

Ang pagiging ilaw ng sanlibutan ni Jesus ay natatamasa lamang ng tao kung may pagsunod na ginagawa. 


Muli, si Jesus ay buo ang loob nang sabihin Niya na Siya ang ;ilaw ng sanlibutan;. Ang pahayag na ito ni Jesus ay may katotohanan. Ang Diyos Ama ang kanyang patotoo. Ayon kay Jesus, ang mamuhay sa kadiliman ay maiiwasan kung Siya ay susundin. Ang kamangha-mangha pa ay hindi lamang kalayaan sa kadiliman ang pakinabang o resulta. Kundi pati ang pagiging ilaw ng buhay ng mismong taong sumusunod.


Si Jesus lamang ang ating ilaw. Kayang liwanagan ng Diyos ang madilim natin pamumuhay. Nagiging madilim ang pamumuhay kung hindi ayon sa Diyos ang ating gawi, pananalita, at pananaw sa buhay. Ito ay walang kinalaman sa kung gaano man tayo katalino, karunong, o ka-experienced sa pamantayan ng sanlibutan. Dagdag pa, si Jesus lamang ang makakapagbigay sa atin ng karapatang maging ilaw. Kung bahagi na ng ating pagkatao ang pagsunod sa Diyos sa ating gawi, pananalita, at pananaw sa ating buhay, tayo ay bibigyan ng karapatang magkaroon ng ilaw ng buhay – tayo na rin mismo ang nagiging liwanag sa ibang tao. Tayo na rin mismo ang nagiging basehan nila ng tamang pamumuhay. Bukod pa rito, ang ‘liwanag; natin mula sa Diyos ay nagdadala ng pag-asa at ng pag-ibig sa mga tao. They feel God’s presence because of us. Isa itong karangalan na nararapat na pangarapin ng mga lumalagong Kristiyano.


Magkaroon ng lumalalim na naising maliwanagan o mas maliwanagan ng Diyos. Huwag ma-condemn tuwing magkaroon ka ng ‘conviction’ dahil sa nagawa mong kasalanan. Gamitin ang pagkakataon na ito upang hingin ang kapatawaran ng Diyos, Mahal ka ng Diyos. Paraan Niya ang ‘convictions’ para kausapin tayo sa mga mali natin ginagawa. Sa kabilang banda, ang kapayapaan sa ating puso dahil sa paggawa ng mabuti ay gabay din ng Espiritu ng Diyos para hikayatin tayo sa ginagawa o gagawing mabuti. Tandaan ang kapayapaan matapos gawin o bago gawin ang isang hakbang ay palaging dapat may gabay ng Salita. 

Panalangin:

Diyos ng kaliwanagan, liwanagan mo ako sa panmamagitan ng Iyong anak na si Jesus. Patawaran mo ako sa mga maling pananalita at pamumuhay ko. Baguhin mo ako. Gawin mo akong masunurin. Maging liwanag Mo ako sa ibang tao.

In Jesus’ Name, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Titus 1-3

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions