December 29, 2023 | Friday

Jesus: Ang Pintuan Ng Mga Tupa

Today's Verse: John 10:7,9 (FSV)

7 Kaya’t sinabi muli ni Jesus sa kanila, “Katotohanan ang sinasabi ko sa inyo, ako ang pintuan ng mga tupa. 9 Ako ang pintuan. Sinumang pumapasok sa pamamagitan ko ay maliligtas. Siya ay papasok at lalabas at makatatagpo ng pastulan. 


Read John 10 

Si Jesus ay may pastulan. Si Jesus din ang pintuan papasok at palabas sa pastulan ng kaligtasan at kasaganaan. 


Inilalapit ni Jesus ang mga tao sa Kanyang sarili. Naisin Niya na mapalagay ang mga tao sa Kanyang mga sinasabi. Ngunit ginagawa niya iyo sa paraang nakayayanig! Ayon kay Jesus, siya ang ang ‘exclusive’ na pinto para sa mga tupa. Siya ang pintuan para maligtas ang mga tao. Ang pagiging malapít ng mga tao sa Kanya ay nangangahulugan ng kasaganaan. 


Ang pagiging malapít o ‘close’ kay Jesus ay isang choice na dapat nating ginagawa araw-araw. Tayo ay may kaligtasan at kasaganaan kung tayo ay malapít kay Jesus. Ang ‘pastulan’ na inihanda ni Jesus para sa Kanyang mga iniligtas ay bunga ng pananampalataya kung sino Siya – siya ang pinto! Dito man sa mundo o sa kabilang buhay man, handa at tapat ang Diyos na iparanas sa atin ang tunay na buhay na kasama siya. Ang buhay na ito kasama ang Diyos ay ganap at kasiya-siya. 


Manampalataya kay Jesus. Ilapit natin ang ating sarili sa Kanya. Huwag na huwag mawala sa ating attention ang Panginoong Hesus. Maraming boses ang gustong umagaw sa ating attention sa Diyos. Siguraduhing ang pagpasok at paglabas sa pastulan ay abot tanaw palagi ang Diyos. Tandaan, ang kaligtasan at kasaganaan natin ay nakabase sa ating pagiging malapit sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus. Gawing siguradong desisyon araw-araw na maging malapít o close kay Jesus. 

Panalangin:

Maraming salamat, aking Diyos Ama, sa iyong pagsugo sa aming Panginoon Jesus. Nais namin na palagiang maging ‘close’ sa kay Jesus. Hawakan mo ang aming kamay habang ini-enjoy ng aking pamilya ang iyong pagliligtas at kasaganaan.

In Jesus’ Name, Amen.    

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Philemon 1

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions