January 3, 2024 | Wednesday
Jesus: Ang Daan, At Ang Katotohanan, At Ang Buhay
Today's Verse: John 14:5–6 (FSV)
5 Sinabi ni Tomas, “Panginoon, hindi namin alam kung saan kayo pupunta. Paano po namin malalaman ang daan?” 6 Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makararating sa Ama kundi sa pamamagitan ko.
Read John 14
Si Jesus lamang ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay. Siya na ba ang pangunahin at gabay sa iyong buhay?
May pag-amin at tanong sa isip ni Thomas na kaniyang inilahad kay Jesus. Si Jesus ay agad na sumagot na “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makararating sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” Iniliahad ni Jesus ang destinasyon at ang mga pamamaraan para marating ang patutunguhan. Interestingly, ang destinasyon o patutunguhan na sinabi ni Jesus ay hindi lugar kundi ang Diyos Ama.
Bilang tao, hindi natin alam lahat ng bagay. Dagdag pa ang mga kalituhan na nangyari sa atin dahil sa mga problema at mga kalalagayan natin. Kailangan natin ang gabay ng Panginoon Jesus dito pa lamang sa mundong ito. Lalo na sa kabilang buhay. Ang handog sa atin ni Jesus ay Siya bilang ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay. Ang tatlo na ito ay ay parang basic needs ng tao katulad ng food, shelter, and clothing. Hindi tayo makaka-survive sa buhay kung walang pagkain, tirahan, at damit. Higit pa sa pangangailangan natin sa pagkain, tirahan, at damit, lubos nating kailangan si Jesus dahil Siya ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay.
Tayo’y buong pagpapakubabang lumapit kay Jesu-Cristo. Ipagkatiwala natin ang lahat ng kaguluhan at kalituhan natin sa buhay. Bigyan daan natin ang kanyang gabay - Siya ang ‘daan’. Paniwalaan natin higit sa lahat ang kanyang Salita – Siya ang ‘katotohanan’. Tanggapin natin ang alok na buhay na walang hanggan – Siya ang ‘buhay’. Huwag mong palalampasin si Jesus sa iyong buhay.
Panalangin:
Diyos Ama, ikaw ang aking destinasyon. Naniniwala ako na ang Iyong Anak ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay. Gawin Mong pangunahin si Jesus sa aking buhay. Pinapayagan kp ang pangunguna at gabay Niyo sa aking buhay.
In Jesus’ Name, Amen.
Pagninilay:
Bakit mahalaga na buhay ng mga tao na makilala kung sino talaga si Jesus?
Ano ang ibig sabihin na si Jesus ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay?
Papaano maiibsan ang kaguluhan at kalituhan natin sa buhay sa pamamagitan ni Jesus?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions