January 5, 2024 | Friday

Galak Dahil Sa Pagpapatawad Ng Diyos

Today's Verse: Psalm 32:5 (ASND)

Ngunit sa wakas, ipinagtapat ko ang aking mga kasalanan sa inyo; hindi ko na ito itinago pa. Sinabi ko nga sa sarili ko, “Ipagtatapat ko na ang aking mga kasalanan sa Panginoon.” At pinatawad nʼyo ako.


Read Psalm 32 

Ang mapatawad ng Diyos ay isang dakilang karanasan. Matatanggap lamang kung may tunay na pagsisisi. Nais mo bang maranasan ang galak ng pagpapatawad ng Diyos?


Ang naranasan ni King David na pagpapatawad ng Diyos ay isang dakilang karanasan. Malakang kagalakan ang pumasok sa puso ni David dahil naramdaman niyang siya’y pinatawad na ng Diyos. Nangyari ito masayang pagkakataon sa buhay ni David nang siya ay umamin sa kanyang nagawang kasalanan at pinagsisihan niya ito. Aminado siyang hindi siya payapa at ang Diyos ay matindi ang pangungusap sa kanya hanggat hindi niya naihayag ang kanyang pagkakamali. Kalaunan, dahil ang kasalana’y kanyang kusang ipinagtapat at hindi itinago, naranasan niya ang kapatawaran ng Diyos.


Kakaiba ang feeling na masigurado nating pinatawad na tayo ng Diyos. Sa kabilang banda, may ‘emotional suffering’ kapag may kasalanang hindi naipapahayag sa Diyos – lalo kung may inaalagaang kasalanan. Interesting isipin na sa isang tunay at lumalagong Kristiyano, na hindi tayo tatantanan ng Diyos hanggat hindi natin nagagawa na pagsisihan ang mga nagagawang kasalanan. Kaya nga nasabi ni Haring David “ngunit sa wakas, ipinagtapat ko ang aking mga kasalanan sa inyo; hindi ko na ito itinago pa.” Kapag ating ipinagtapat at hindi pilit na itinago sa Diyos ang kasalanan, doon dumarating ang dakilang karanasan ng pagpapatawad ng Diyos! 


Aminin at ipagtapat ang iyong kasalanan sa Diyos. Mararanasan mo ang isang dakilang pakiramdam ng kagalakan. Pagsisihan o talikuran ang iyong kasalanan. Mararanasan mo naman ang pagbabago ng buhay at bagong lebel ng paglago sa Panginoon. Pag-alabin ang ating relasyon sa Diyos. Maging malinis sa Kanyang harapan. Hindi mahalaga ang opinyon ng tao. Ang pinakamahalaga ay lumalago ka sa pagsamba at pagsunod sa Diyos – ng may tunay na pagsisi, pagbabago, at pagiging malapit sa Diyos.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, ako ay nagkakasala. Anuman ang aking naaalagaan na kasalanan ay aking hinihingi ng tawad sa Iyo. Inaamin ko ang mga ito. Akin ipinagtatapat sa iyo at hindi na itatago pa ang aking kasalanan. Salamat sa Iyong pagpapatawad at sa Iyong pag-ibig.

In Jesus’ Name, Amen.

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Hebrews 12-13

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions