January 25, 2025 | Saturday

UVCC Daily Devotion

Presensya At Pag-Ibig Ng Diyos 

Today's Verses: 1 John 4:12 (MBBTag)

Kailanma'y wala pang taong nakakita sa Diyos, ngunit kung tayo'y nagmamahalan, nasa atin ang Diyos at nagiging ganap sa atin ang kanyang pag-ibig.


Read 1 John 4

Masasabi mo ba na mas lumalago ka na sa pagpaparamdam ng pag-ibig ng Diyos sa ibang tao?


Sa 1 Juan 4:12, ipinapahayag ni Apostol Juan na ang Diyos ay hindi natin nakikita. Ganunpaman, ang kanyang pagmamahal ay nagiging buo at makita sa atin sa pamamagitan ng ating pagmamahal sa isa't isa. Sa konteksto, binibigyang-diin ni Juan na kapag tayo ay nagmamahalan, ang Diyos ay nananatili sa atin at ang kanyang pag-ibig ay nagiging ganap sa atin. Malinaw kay Juan na ang tunay na pagmamahal sa kapwa ay nagpapakita ng presensya ng Diyos sa ating buhay.


Mas nararamdaman ang presensya ng Diyos sa atin kung ipinapakita natin ang pag-ibig sa kapwa. May tatlong paraan para maramdaman ang pag-ibig ng Diyos. Una, ito ay kapag direkta kang naaabot ng pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng iyong kapwa na may pananampalataya sa Kanya. Pangalawa, kapag ikaw ay nakikiisa sa isang grupo na pinaparamdam ang pag-ibig ng Diyos sa bawat isa. Pangatlo, hindi ka bahagi o bahagi ka ng grupo at na-witness mo kung paano ang mga grupong makadiyos o mga pamilya, na bagamat ay hindi perpekto, ay naipaparamdam pa rin ang pag-ibig ng Diyos. Alinman sa nabanggit, ang ‘common denominator’ sa lahat ay ang presensya ng Diyos. Ang paksa ng presensya ng Diyos, kaugnay ng Kanyang pag-ibig, ay hindi madalas pag-usapan. Ngunit sa ating talata, makikita natin na ang pag-ibig ng Diyos ay maibabahagi at mararamdaman lamang kung ang presensya ng Diyos ay nasa kalagitnaan ng mga tao. Ito ay isang magandang paksa na dapat siyasatin natin sa ating mga sarili.


Iparamdam sa iyong kapwa ang pag-ibig ng Diyos. Higit pa sa ating mga sinasabi, may gawa na nararapat na nakikita, nagagawa, at nahahalata natin. Suriin ang topic ng presensya ng Diyos karugtong ng pag-ibig ng Diyos. Dalhin naitn sa mas mataaas na antas ang ating pag-iibigin bilang mga anak ng Diyos. Kung hindi pa malinaw sa iyo kung sino at paano nagiging anak ng Diyos, ito ay dapat ding pag-usapan at alamin. Ang pinakamahalaga sa pagiging mga anak ng Diyos na may presensya ng Diyos ay ang nararamdaman at naipaparamdam ang pag-ibig ng Diyos.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, nais ko po ang iyong presensya sa araw-araw. At habang ako’y nananatili sa iyong presensya, tulungan niyo po akong iparamdam sa aking mga kapwa anak ng Diyos ang iyong pag-ibig. 

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: 2 Chronicles 29-30

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions