January 24, 2025 | Friday

UVCC Daily Devotion

Espirituwal Na Pagkain

Today's Verses: Luke 7:47 (MBBTag)

Sinabi sa kanila ni Jesus, “Ang pagkain ko'y ang tuparin ang kalooban ng nagsugo sa akin at tapusin ang ipinapagawa niya sa akin.


Read Luke 7

May mas importante pa ba sa pagkain na nagbibigay lakas sa ating buhay?


Sa Juan 4:34, ipinahayag ni Jesus ang Kanyang tapat na dedikasyon sa misyon na ipinagkaloob sa Kanya ng Ama. Habang ang mga alagad ay nag-aalala sa Kanyang pisikal na pangangailangan, binigyang-diin ni Jesus na ang tunay na "pagkain" Niya ay ang pagtupad sa kalooban ng Diyos. Ang pahayag na ito ay nagpapakita ng Kanyang pagka-buhay na alagad ng Diyos at ang pagmamahal Niya sa kaligtasan ng sangkatauhan. Sa kontekstong ito, pinapakita ni Jesus ang higit na kahalagahan ng espirituwal na layunin kaysa sa pansamantalang kasiyahan.


Ang pagtupad sa kalooban ng Diyos ay espirituwal na pagkain. Ang masimulan at matapos ang ipinagagawa sa atin ng Diyos ay higit pa sa anumang saya meron sa buhay. Ang buhay natin ay may layunin mula sa Diyos. Kapag atin itong matagpuan, maunawaan, at masimulan, ang antas ng ating pananampalataya ay sumisigla. Ang sigla na ito ang nararamdaman ni Jesus nang kausap niya ang mga disipulo. Ang misyon ay nagpasigla sa buhay ni Jesus ng higit pa sa pagkain. Nang natagpuan, naunawaan, at nasimulan ang nasabing misyon ng mga disipulo, sila din ay nagkaroon ng kakaibang sigla. Nawa ay atin ding matagpuan, maunawaan, masimulan, at hanggang sa dulo ng buhay ay matapos din natin ang misyon na “tuparin ang kalooban ng nagsugo sa [atin] at tapusin ang ipinapagawa niya sa [atin].” Ang katotohanan na ito ay kayamanan. Nawa ay ating kasabikan na tuparin ang kalooban ng Diyos at tapusin ang ipinagawa Niya. Pwede nang magsimula sa maliliit na hakbang.


Manabik sa kalooban ng Diyos. Mailap man sa marami ang pananabik na sumunod sa Diyos tulad ng sinasabi ng Biblia, may panahon pa na nakaabang sa atin. Kaya bigyan natin ng sigla ang ating buhay sa pamamagitan ng pagtupad sa kagustuhan ng Diyos. Tayo ay magpasiayasat ng puso sa Diyos para taggalin Niya ang anumang bara na humahadlang sa pagsigla ng ating buhay Kristiyano. 

Panalangin:

Aking Diyos Ama, bigyan mo ako ng gutom na tupdin ang Iyong kalooban. Bigyan Mo po ng panibagong sigla ang aking buhay para simulan at ipagpatuloy ang mission mo para sa akin. Patawarin mo ako sa lahat ng aking katamaran at pagdadahilan. Masunod Ka sa aking buhay.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: 2 Chronicles 27-28

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions