January 4, 2025 | Monday

UVCC Daily Devotion

Maging Child-Like At Hindi Childish

Today's Verses: Matthew 18:2-3 (MBBTag) 

2Tumawag si Jesus ng isang bata, pinatayo sa gitna nila 3at sinabi, “Tandaan ninyo: kapag hindi kayo nagbago at naging katulad ng mga bata, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit. 


Read Matthew 18

May naisin ka bang maging encouragement tulad ng isang bata?


Sa Matthew 18:2-3, itinuturo ni Jesus ang kahalagahan ng pagiging katulad ng isang bata upang makapasok sa kaharian ng Diyos. Ipinapakita ng talinghaga na ang simpleng pananampalataya, kababaang-loob, at pagtanggap ng mga bata sa kanilang kalikasan ay nagsisilbing modelo para sa mga nananampalataya. 


May mga panahon sa ating buhay na nagiging komplikado ang mga bagay, kaya’t nawawalan tayo ng kaayusan, kapayapaan, at tamang pananaw. Sa pakikipagniig natin sa Diyos, napansin ko na hindi requirement ang mga komplikadong kaalaman o malalim na pag-unawa ukol sa relihiyon upang mapanatili ang isang maayos na relasyon sa Kanya. Sa mga ganitong pagkakataon, may mga mahahalagang katangian na nawawala, ngunit ito ay mga bagay na mahalaga sa Diyos. Ang pinakamahalaga ay ang pusong bukas sa pagtanggap sa Diyos, ang pagiging mapagpasakop, at ang pagiging tapat tulad ng mga bata. Dakila para sa Diyos ang mga bata dahil mayroon silang mga katangiang kinakailangan upang makapasok at makapanitili sa Kanyang kaharian. Kaya bukod sa pananampalataya kay Jesus at sa Kanyang sakripisyo sa krus, kinakailangan din natin ang “child-like attitudes” upang makapasok at makapamuhay sa kaharian ng Diyos. Kung ang ating pananaw at pamumuhay ay ayon sa katuruan ni Jesus, mas mararanasan natin ang masiglang buhay na ating hinahanap-hanap.


Maging child-like at hindi childish. Ang pagiging child-like ay tumutukoy sa mga positibong katangian na kadalasang iniuugnay sa mga bata, tulad ng inosente, paghanga, pagtitiwala, at pagiging madaling turuan ng Salita ng Diyos. Samantalang ang pagiging childish ay tumutukoy sa mga negatibong pag-uugali o saloobin tulad ng kabalbalan, makasarili, o kawalan ng kakayahang kumilos nang responsable, na itinuturing na hindi maagap o maliit, lalo na kapag ipinapakita ng mga matatanda. Siyasatin natin ang ating sarili at tanungin kung tayo ba ay lumalago sa katangian ng pagiging “child-like” at nababawasan o nawawala na ang pagiging "childish." Ang paglago sa espiritwal at emosyonal na aspeto ay nangyayari sa konteksto ng ‘making disciples of Jesus’. 

Panalangin:

Aking Diyos Ama, turuan mo akong maging child-like at hindi childish. Tulungan mo akong maaral ang aking sarili at lumago sa espiritwal at emosyonal na aspeto ng aking buhay. Nawa ako ay maging inosente, paghanga, pagtitiwala, at pagiging bukas sa Iyong katuruan at Iyong kalooban.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: 2 Chronicles 13-14

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions