January 7, 2025 | Tuesday
UVCC Daily Devotion
Nagpapakumbaba Tulad Ng Mga Bata
Today's Verses: Matthew 18:4-5 (MBBTag)
4Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit. 5Ang sinumang tumatanggap sa isang batang katulad nito alang-alang sa akin, ako ang kanyang tinatanggap.”
Read Matthew 18
Madalas ba ang pagkaaktaon sa buhay mo na nagiging mabait ka sa mga bata para kay Jesus?
Sa Matthew 18:4-5, tinuturuan ni Jesus ang mga alagad tungkol sa pagpapakumbaba. Ipinakita Niya na ang mga taong may pusong tulad ng isang bata—malinis, tapat, at mapagpakumbaba—ay siyang pinakamahalaga sa kaharian ng Diyos. Ipinapaabot Niya na ang pagpapakumbaba at pagiging matapat sa Kanya ay magdudulot ng kaluguran sa Diyos at magbubukas ng pabor at pagpapala.
Ang pagiging mapagpakumbaba at palakaibigan sa mga bata ay may malalim na kahulugan. Bagamat sila’y may kakulitan, itinuturo sa atin ni Jesus ang pagpapahalaga sa kanilang kalalagayan. Sa Pilipinas, ang kalagayan ng mga batang Pilipino ay nakakaantig. Tinatayang 2 milyong bata ang nakakaranas ng matinding kakulangan sa pagkain, kulang sa prutas, gulay, at mga pagkaing may protina. Patuloy na tumataas ang mga problemang emosyonal, tulad ng mental health issues. Dumarami ang mga kabataang nagtangkang magpakamatay. Bukod pa rito, may 250,000 batang palaboy na dumaranas ng pang-aabuso at exploitation. Tumataas din ang kaso ng juvenile delinquency dulot ng kakulangan sa rehabilitasyon at suporta sa knila maging sa kanilang tahanan. Bagamat mahirap abutin ang lahat ng batang nangangailangan, may ilan sa ating paligid na nangangailangan ng encouragement at ng Salita ng Diyos. Maraming bata sa ating komunidad—sa mga tahanan, simbahan, at sa paligid—ang may mga espirituwal, pisikal, at emosyonal na pangangailangan. Ito ay isang pagkakataon upang ipakita ang pagmamahal ni Jesus sa mga batang ito at magbigay ng tulong at gabay.
Pansinin ang mga bata sa paligid. Abutin natin sila para i-encourage. Katagpuin sila kahit sa kanilang kakulitan. Huwag magsawa. Maging masikap. Hindi ka man emotionally or spiritually gifted sa pag-abot at pangangalaga, maraming paraan para sila tanggapin ng may nararapat ng kalinga na para ginagawa natin bilang pagtanggap kay Jesus. Humingi ng pag-big at pagapapla sa Diyos para sa mga bata. May iilan na nag-aantay sa iyo.
Panalangin:
Aking Diyos Ama, aking napagtanto ang iyong pagpapahalaga sa mga bata. Mas ipaunawa mo sa amin ang paggawa kabutihan sa kanila ay pagtanggap sa Iyo. Nawa, maging daluyan ako ng pagpapala at kalakasan ng loob para sa mga bata.
Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Pagninilay:
Ano mabuting katangian ng mga bata ang pinapahalagahan ng Diyos?
Bakit mainam na mabigyan pansin din natin ang kids sa community at maging sa church?
Paano mo isasapamuhay ang pagtanggap sa mga bata alang-alang kay Jesus na ating Diyos?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions