March 12, 2025 | Wednesday

UVCC Daily Devotion

Ang Kahalagahan Ng Pagkamatapat

Today's Verses: Genesis 24:12 (ASND)

Nanalangin ang alipin, “Panginoon, Dios ng amo kong si Abraham, nawaʼy magtagumpay po ako sa pakay ko rito, at ipakita nʼyo ang kabutihan ninyo sa aking amo.


Read Genesis 24

Mahalaga pa rin ba sa panahon ngayon ang pagkamatapat o loyalty?


Sa Genesis 24:12, nanalangin ang alipin ni Abraham at humingi ng patnubay mula sa Diyos upang matulungan siyang makahanap ng tamang asawa para kay Isaac. Hiniling niya na ipakita ng Diyos ang babae na uminom mula sa kanyang inaalok na tubig at mag-alok din ng inumin para sa kanyang kamelyo. Sa simpleng panalangin, ipinakita ng alipin ni Abraham ang kanyang pananampalataya at pagkakatiwala sa gabay ng Diyos ni Abraham maging tagumpay sa kanyang misyon.


Sa panahon ngayon, mahalaga pa rin ang pagkamatapat o loyalty, tulad ng ipinakita sa kwento ng alipin ni Abraham sa Genesis 24. Nang ipagdasal ng alipin ang Diyos upang siya’y tulungan makahanap ng tamang mapapangasawa para kay Isaac, ipinakita niya ang kanyang pagkamatapat sa kanyang amo na si Abraham—at maging sa Diyos. Ang nilalaman ng kanyang panalangin ay hindi lamang tungkol sa pagpapahayag ng kanyang pangangailangan upang matapos ang misyon, kundi isang pagpapakita ng lubos na tiwala at pananampalataya sa Diyos at sa kanyang pinaglilingkuran. Sa kabila ng lahat ng pagsubok, ipinakita ng alipin ni Abraham ang matibay na pangako ng pagkamatapat sa tungkuling ipinagkatiwala sa kanya. Sa ating makabagong panahon, maraming bagay ang nagbabago, ngunit ang pagkamatapat sa ating mga relasyon, tungkulin, at pananampalataya ay nananatiling isang mahalagang pundasyon. Ang pagkamatapat o ‘loyalty’ ay hindi lamang tungkol sa pagiging tapat sa isang tao, kundi sa pagiging tapat sa ating mga prinsipyo, sa ating integridad, at sa Diyos. Ang pagkamatapat ay napakahalaga pa rin hanggang sa ngayon.


Isabuhay pa rin natin ang pagkamatapat. Isaisip na ang kahalagahan nito ay nakasalalay kung anong pananampalataya meron tayo sa Diyos. Ang pagtitiwala natin sa Diyos ay patunay pa rin ng ating pagiging pagkamatapat sa tao man o maging sa Diyos din. Isaisip ang kapakanan ng mga taong nagtitiwala sa atin. Ipanalangin na magawa natin na maparangalan ang Diyos sa ating pagkamatapat. Simulan na. Ipagpatuloy at huwag nang ipagpabukas ang pagkamatapat. 

Panalangin:


Aking Diyos Ama, ako ay nananalig sa Iyo na ako ay Iyong palaguin sa pagkamatapat. Nais kong maging daluyan ng ng kagalakan at tagumpay ng ibang tao sa aking paligid – lalo na ng aking mga magulang at mga tagapanguna.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Job 16-17

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions