March 8, 2025 | Saturday

UVCC Daily Devotion

Ang Nakakatawa O Nakakatuwang Himala

Today's Verses: Genesis 21:6–7 (ASND)

6Sinabi ni Sara, “Pinatawa ako ng Dios, at kahit sinong makarinig ng tungkol sa nangyari sa akin ay matatawa rin. 7Sino kaya ang makapagsasabi kay Abraham na makakapagpasuso pa ako ng sanggol? Pero nagkaanak pa ako kahit matanda na siya.”


Read Genesis 21

Dapat ka bang matawa o matuwa kapag may himalang nangyari sa buhay mo?


Sa Genesis 21:6–7, ipinahayag ni Sara ang kagalakan ng pagiging ina sa kabila ng kanyang matandang edad. Sinabi niyang maari siyang pinagtawanan dahil sa pagkakaroon niyang anak — na isang himala na hindi niya inasahan. Nagpasalamat siya sa Diyos at pinuri ang Kanyang kabutihan. Ang kanyang pangarap na magkaroon ng anak ay natupad. Ang kasunod na kagalakan at pagtataka ng iba ay lumitaw dahil sa hindi kapani-paniwalang biyaya ng Diyos sa kanilang buhay ni Abraham.


Alam natin ang ibig sabihin ng pagiging ‘excited’ dahil sa mga kakaibang pangyayari sa ating buhay. Kapag ang isang tao ay excited, maaaring hindi niya malaman kung paano tamasahin ang kagalakan sa kanyang puso. Naiisip niya na baka pagtawanan siya ng ibang tao kapag nalaman o napansin nila ang kanyang masayang emosyon. Maaaring ito ay nakakatawa o kaya ay nakakatuwa. Higit pa rito, may karagdagang galak na ating madarama kapag tayo ay nagiging pagpapala sa ibang tao na pinapahalagahan natin. Ngayon, subukan mong isipin na pagsamahin ang dalawang klase ng galak na ito. Ikaw ay parang si Sarah, na naging daluyan ng dakilang pagpapala para sa isang tao na binigyang kadakilaan ng Diyos. Grabe ang excitement na iyong madarama! Ang ganitong positibong emosyon ay isang kayamanan. Ang ganitong positibong emosyon ay nakakahawa. Ito ay isang pagpapala mula sa Diyos.


Magbalik-tanaw sa mga himala na ginawa ng Diyos sa iyong buhay. Maging excited sa mga biyayang ipinaranas Niya sa iyo. Tandaan na laging maging blessing ka sa ibang tao. Unawain na kapag ikaw ay ginawaran ng Diyos ng himala, may mga taong apektado ng iyong pagsunod at pasasalamat sa Diyos. Alalahanin na ang kabaligtaran nito ay totoo rin. Kapag ikaw ay hindi sumusunod at mareklamo laban sa Diyos, apektado rin ang ibang tao – lalo na ang mga mahal mo sa buhay. Kaya, piliin pa ring maging tapat sa pagsamba, pagsunod, at paglilingkod sa Diyos.

Panalangin:


Aking Diyos Ama, salamat sa iyong kabutihan sa aking buhay. Patuloy Niyo po akong pagpalain para ako’y patuloy ding maging pagpapala sa ibang tao – lalo na sa mga mahal ko sa buhay. 

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Job 11-12

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions