March 6, 2025 | Thursday
UVCC Daily Devotion
Ang ‘Warning’ Ng Diyos
Today's Verses: Genesis 20:17–18 (MBBTag)
Dahil sa pagkakuha ng hari kay Sara, pinarusahan ni Yahweh ang lahat ng babae sa sambahayan ni Abimelec: hindi sila magkaanak. At upang malunasan ito, ipinanalangin sila ni Abraham. Gumaling naman si Abimelec, at mula noon, ang kanyang asawa't mga aliping babae ay nagkaanak.
Read Genesis 20
Ang tunay pagsisisi at pagtalikod sa kasalanan ba ay nakapagpapatawad ng kasalanan at nagpapa-iwas sa pagpapalo ng Diyos?
Matapos magdasal si Abraham, pinagaling ng Diyos si Abimelech, ang hari ng Gerar, pati na ang kanyang pamilya na nahirapan dahil sa hindi pagkakaunawaan hinggil kay Sarah. Pinawi ng Diyos ang sumpa, at pinanganak muli ang mga babae sa kanyang kaharian. Ang kwento ay nagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos na magtama ng mga pagkakamali at magbigay ng pagpapala sa mga tapat sa Kanya.
Maraming tao ang nag-eenjoy pa sa kasalanan. May ilan naman na dinaranas na ang pagpapalo ng Diyos. Gayunpaman, may ibinibigay na pagpapatawad ang Diyos sa sinumang tatalima sa Kanyang babala sa pamamagitan ng Biblia. Tunay na may pagpapala dahil sa pagtalima sa babala ng Diyos – lalo na para sa mga kamuntikan nang magkasala. Ito ay dahil sa habag ng Diyos. Sa pamamagitan ng Biblia, pwedeng ihayag ng Diyos sa tao ang mga kasalanang ginagawa na nito o mga kasalanang maaring gagawin pa lamang. Sa habag ng Diyos, kinakausap Niya tayo sa pamamagitan ng Biblia at maging sa ibang pamamaraan tulad ng panaginip. Kung ang taong malapit nang magkakasala ay makikinig at tatalima, may pagpapala siya sa Diyos. Ngunit kung itinuloy ang kasalanan kahit may ‘warning’ na, siguradong may kasunod itong pagpapalo. Kaya may aral ngayong araw ayon sa Biblia na magpakumbaba sa Diyos at magbago na ng pag-iisip. Sundan ito ng paghingi ng tawad sa salita at pagtalikod sa kasalanan na may pagsunod na sa Diyos. Mahirap man minsan lunukin ang mensahe ng Biblia, pero mas mainam pa rin na nagpapasakop sa ‘warning’ ng Diyos.
Humingi ng tawag at huwag nang magpalusot. Magpakumbaba at huwag magyabang na mas marunong pa tayo sa Diyos. Alam ng Diyos ang bawat galawan natin. Ang babala ng Diyos ay mahalagang pakinggan. Ang mga nakikinig at sumusunod ay may pagpapala. Ang mga nakikinig at hindi sumusunod ay may pagpapalo. Mahirap kalabanin ang Diyos at ang Kanyang kalooban. May pagpapala at pagkilala naman din ang Diyos kung ikaw ay magpapakumbaba at magsisisi.
Panalangin:
Aking Diyos Ama, salamat sa iyong pangungulit sa akin. Tunay an ayaw mo akong mapahamak. Bagkus gusto Mo akong pagpapalain. Salamat sa pagpapatawad mo sa akin tulad ng pagpapatawad ko sa mga nagkasala sa akin.
Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Pagninilay:
Naniniwala ka ba na ang mensahe ng Diyos sa tao ay pwede din dumating o maoaphayag sa pmamagitan ng panaginip?
Paano ma-reverse ang ipluwensya o epekto ng kasalanan sa aking buhay?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions