March 6, 2025 | Thursday

UVCC Daily Devotion

Hindi Napahamak Dahil May Ibang Nanalangin

Today's Verses: Genesis 19:29 (MBBTag)

Nang gunawin ng Diyos ang mga lunsod na iyon, hindi nawaglit sa kanyang isipan si Abraham kaya iniligtas niya si Lot.


Read Genesis 19

Pwede ba na iligtas ng Diyos ang ibang tao kahit masuwayin dahil sa isang tao na may malalim na relasyon sa Panginoon?


Matapos sirain ng Diyos ang mga lungsod ng Sodom at Gomora, inaalala ni Abraham ang mga tapat na tao na posibleng nakaligtas. Dahil dito, iniligtas ng Diyos si Lot at ang kanyang pamilya mula sa pagkapahamak. Nang tumakas sila, iniiwasan nilang tumingin sa likod. Sa kabila ng babala, ang asawa ni Lot ay tumingin pabalik at naging isang haliging asin, isang paalala ng kahihinatnan ng pagsuway.


Nakakapagtakang isiping may mga taong hindi napapahamak kahit na sila’y masuwayin o hindi masunurin sa Diyos. Maaaring ang taong ito na naliligtas mula sa kapahamakan ay walang gaanong kamalayan sa Diyos, o kaya naman ay may sapat lang na kaalaman. Maaaring susunod siya sa Diyos, ngunit ito ay nakadepende sa kanyang nararamdaman sa araw na iyon. Susunod siya ngayon, ngunit bukas ay hindi, dahil abala o tinatangay ng kamunduhan. Gayunpaman, ang nakakahanga ay ang mga taong may malalim na relasyon sa Diyos, na nananalangin at nagkakalinga sa kapakanan ng iba — katulad ng ginawa ni Abraham para kay Lot. Dahil dito, kahit na ang nasabing tao ay patuloy na sumusunod sa kanyang sariling landasin, hindi pa rin siya napapahamak. Ito ay dahil sa matinding panalangin at pagmamahal ng mga taong nagmamalasakit sa kanya. Ang Diyos ay naaantig sa "commitment" at "loyalty" ng mga taong katulad ni Abraham, kaya’t ililigtas Niya ang minamahal ng mga taong ito. Sa ibang salita, ang kaligtasan ng isang tao ay minsan nakasalalay sa mga taong humihiling ng tulong para sa kanilang mga mahal sa buhay. Alam man ito o hindi ng taong naligtas at hindi napahamak, ang lumalalim na relasyon sa Diyos ay nakakapagligtas sa kapahamakan maski ng mga taong masuwayin.


Hangaan ang mga taong nanalangin para sa iyo. Manalangin para sa kaligtasan ng ibang tao. Maging natural sa iyo ang paglalalim sa pakikipagrelasyon sa Diyos. Alamin na ang Diyos ay napakapersonal kung makitungo. Dahil sa iyong "commitment" at "loyalty" sa Diyos, alam Niya kung paano iligtas ang iyong mga minamahal. 

Panalangin:


Aking Diyos Ama, salamat sa mga taong nanalangin para sa aking kaligtasan. Salamat sa iyong katapatan sa mga taong may "commitment" at "loyalty" sa Iyo. Ngayong araw, lalo mo akong pahangain sa Iyo.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Job 7-8

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions