March 31, 2025 | Monday

UVCC Daily Devotion

Kumplikado Pero Simple

Today's Verses: Genesis 34:5 (ASND)

Nang malaman ni Jacob …, hindi muna siya kumibo dahil naroon pa sa bukid ang mga anak niyang lalaki na nagbabantay ng kanyang mga hayop.


Read Genesis 34

Tanggap mo na ba na ang katotohanan na ‘life is unfair’?


Nang malaman ni Jacob ang nangyari kay Dina sa Shechem, nag-alala siya at naghintay na makabalik ang mga anak niyang lalaki bago kumilos. Sa Genesis 34:5, ipinakita na nagpigil siya at hindi agad nagdesisyon. Kaya naghintay siya ng pagkakataon upang makausap ang kanyang mga anak. Ang pangyayaring ito ay nagdulot ng tensyon sa pamilya, at nagbigay daan sa isang plano ng mga kapatid ni Dina na maghiganti sa ginawa ni Shechem.


Lahat ng tao ay may emosyon at kanya-kanyang pag-uugali. Depende sa ating sitwasyon, sa pagpapalaki sa atin, sa edad na natin, at sa ating nakasanayang gawi, pati na rin sa kapaligiran na ating kinalakihan, ang tao ay pumapatol o hindi kumikibo. Sa katotohanan, gusto man nating mamuhay ng simple at payapa, ang pagiging tao ay kumplikado. At para gawing mas kumplikado ang mga bagay, kinakailangan din natin makitungo sa kapwa tao na kumplikado rin. Depende sa ating mga tugon sa mga pangyayari sa buhay, doon tayo nagkakaroon o nawawalan ng kapayapaan. Kailangan natin magpatuloy sa buhay na ‘unfair’. Unfair ang buhay kasi may mga mayayaman at may mahihirap. ‘Life is unfair’ kasi may mga taong maysakit pero gusto pang mabuhay ng matagal, pero may ibang tao na malulusog pero kinikitil ang sariling buhay. ‘Life is unfair’ kasi hindi pare-pareho ang oportunidad na dumarating sa bawat tao. ‘Life is unfair’ kasi sinisikap nating mamuhay ng simple pero nagiging kumplikado ang pamumuhay dahil kailangan mong makibagay. Dahil ‘life is unfair’, malaking tulong ang pagiging makadiyos na kapartner ang pagiging malakas ang loob.


Gawing aralin ang ating sarili kasabay ng pag-aaral natin sa ating kapwa at sa ating kapaligiran. Ipasakop sa Diyos ang iyong emosyon at pag-uugali. You never know, kung kailan magiging advantage para sa iyo ang ganitong gawi para ikaw makapamuhay ng nakalulugod sa Diyos.

Panalangin:


Aking Diyos Ama, sakupin mo po ang aking pagkatao. Gamitin Mo po ang aking emosyon at pag-uugali para maparangalan ka. Patawarin mo ako sa mga pagkakataon na sarili ko ang nasusunod. Ikaw na po ang maging panginoon sa buhay ko.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Job 31-32

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions