November 2, 2024 | Saturday

UVCC Daily Devotion

Ang Pag-Asa Sa Paggawa Ng Mabuti

Today's Verses: 1 Peter 3:14-15 (ASND)

13Sino ang gagawa ng masama sa inyo kung laging mabuti ang ginagawa nʼyo? 14Pero kung usigin kayo dahil sa kabutihang ginagawa nʼyo, mapalad kayo. Huwag kayong matakot o mag-alala sa ano mang gawin nila sa inyo. 15Alalahanin nʼyo na si Cristo ang dapat ninyong parangalan at sundin. …



Read 1 Peter 3

May mga pagkakataon bang ramdam mo na nawawalan ka ng pag-asa sa paggawa ng mabuti, kahit na alam mong ito ang tama?


Sa 1 Peter 3, hinihikayat ni Apostol Pedro ang mga mananampalataya na manatiling matuwid kahit sa kalagitnaan ng hirap at pagdurusa sa pananakop ng mga taga Roma. Binibigyang-diin niya na ang pagtitiis sa hirap para sa paggawa ng mabuti ay katulad ng halimbawa ni Cristo. Ito’y nagpapakita ng pag-asa at lakas ng pananampalataya. Ang talata ay nagbibigay ng kapanatagan na ang pagdurusa para sa katuwiran ay kapuri-puri. Ito ay nag-uudyok sa kanila na magpatuloy at umasa ng may pagtitiwala sa katarungan at pag-aalaga ng Diyos.


May pag-asa pa rin tayo kahit unfair ang mundo. Minsan, naiisip natin na makipagsabayan na lang sa masama. Pero mas may dahilan pa rin ang mga tagasunod ni Kristo para gumawa ng tama. Minsan, parang mas madali na lang pumatol, lalo na’t maraming tao naman ang gumagawa ng masama. Parang may naisin tayong maging makasarili at minsan, humihina ang boses ng Diyos sa pagtawag at pagtuturo sa natin. Anuman, may choice pa rin tayo na sundin Siya. Dapat nating alalahanin na si Jesus ang ating pinararangalan, hindi ang sarili natin o ibang tao. Ang pagsunod sa Diyos ay mahalaga at may kabuluhan. Kaya’t laging magandang isipin na kahit anong mangyari, ang makapagbigay ng saya kay Jesus ang pinakamahalaga. Ang bawat mabuting desisyon natin ay may halaga, at nagdadala ito ng pag-asa sa ating buhay. Sa kabila ng lahat, nandiyan pa rin ang Diyos para sa atin.


Magbigay inspirasyon sa iba sa pamamagitan ng mabubuting gawa. Piliin ang gumawa ng tama kahit mahirap at iwasan ang makisabay sa masasama. Ipakita ang lakas ng iyong pananampalataya at alalahanin ang layuninng bigyan-parangal si Jesus sa lahat ng ating salita at kilos. Mag-focus sa mga desisyong nagdadala ng pag-asa at kabutihan. Maging liwanag sa madilim na mundo at ipakita na may pag-asa pa rin sa Diyos.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, salamat sa pag-asa kahit sa gitna ng hirap. Bigyan Mo kami ng lakas na gumawa ng tama at ipakita ang Iyong liwanag sa mundo. Nawa'y patuloy naming parangalan si Jesus sa aming mga salita at gawa. Tulungan Mo kaming maging inspirasyon sa iba at maging mabuting halimbawa.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: 1 Kings 9-10

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions