November 5, 2024 | Tuesday

UVCC Daily Devotion

Pananampalataya, Pag-Asa, At Pag-Ibig

Today's Verses:  1 Corinthians 13:13 (ASND)

Tatlong bagay ang nananatili: ang pagtitiwala, pag-asa, at pag-ibig. Ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.


Read 1 Corinthians 13

Ikaw ba ay may pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig mula sa Diyos?


Sa 1 Corinto 13, ipinahayag ni Pablo ang kahalagahan ng pag-ibig sa buhay ng tao lalo na ng tagasunod ni Jesus. Ayon sa kanya, kahit gaano pa kataas ang ating mga kakayahan o kaalaman, kung walang pag-ibig, ito'y walang halaga. Ang tunay na pag-ibig kanyang ipinaliwanag sa pamamagitan ng mga salitang maunawain, mapagpatawad, hindi makasarili, at iba pa. Sa huli, sinabi ni ni Pablo na ang pag-ibig ang pinakapayak at pinakamahalagang aspeto ng buhay mananampalataya.


Ang kahalagahan ng buhay ay kung ang tao ay may nararanasan na pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig. Totoo na kailangan natin ng financial at material blessings. Pero paano mo tunay na mae-enjoy ang material at financial blessing kung walang makadiyos na pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig? Totoo na kailangan natin ang signs and wonders. Pero paano tatagal ang epekto ng signs and wonders kung walang makadiyos na pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig? Totoo na kailangan natin ang pamilya, kaibigan, anak, kapatid, o parents. Pero paano mo tunay na mapapahalagahan ang ang pamilya, kaibigan, anak, kapatid, o parents kung walang makadiyos na pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig? Balewala ang samu’t-saring blessings ng buhay natin at walang kabuluhan maging ang ating layunin (purpose) o ating adhikain (advocacy) kung wala ang tatlong pinakamahalagang sangkap sa buhay ng lumalagong Kristiyano — ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig.


Pahalagahan ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig sa iyong buhay. Tandaan na ang tunay na yaman ay hindi lamang sa materyal na bagay, kundi sa mga ugnayang naitatag sa mga tao sa paligid mo. Ibigay ang iyong puso sa iyong pamilya at mga kaibigan. Pag-aralan ang iyong mga pinaniniwalaan at alagaan ang iyong mga pangarap. Sa pamamagitan ng makadiyos na pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig, matutunan mong pahalagahan ang tunay na halaga ng buhay at ang mga biyayang dala tunay na relasyon sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, salamat sa iyong pagmamahal at biyaya. Sa oras na ito, lumalapit kami sa Iyo sa pagsisisi sa aming mga pagkakamali. Bigyan Mo kami ng pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig sa bawat araw. Nawa’y maging daluyan din kami ng pag-ibig ng Diyos sa iba. 

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: 1 Kings 11-12

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions